Nagsimula na kahapon ang unang aktibidad para sa ika-40 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pamamagitan ng pagtitipon ng record na 95 rookie aspirants sa darating na 2014 Gatorade PBA Draft Combine sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Ang dalawang araw na event ay tatampukan ng traditional biometrics at ang pagbabalik ng rookie camp scrimmages na magbibigay ng pagkakataon sa coaches upang matunghayan ang kakayahan ng mga rookies na sasali sa draft.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ang 95 mga aplikante ay hinati sa dalawang grupo kung saan ang unang grupo ay binuo ng mga manlalarong ang apelyido ay nagsisimula sa A hanggang G na sumailalim sa required tests, workouts at scrimmages mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali kahapon at ang ikalawang grupo na ang mga apleyido ay nagsisimula sa H hanggang Z ay dadaan din sa parehas na pagsubok ngayon sa kaparehas ding oras.

Ang bawat manlalaro ay pinapayagan lamang na magdala ng isang kasama.

Ang rookie aspirants na hindi makasasali sa event ay awtomatikong tatanggalin sa listahan na lalahok sa 2014 Gatorade PBA Rookie Draft na gaganapin naman sa Agosto 24 sa Robinson’s Place Manila.