Maituturing na malayo na ang narating ni Kobe Paras, ang anak ng nag-iisang tinanghal na Most Valuable Player at Rookie na dati ring miyembro ng national team na si Benjie Paras.

Bukod sa kapangalan ang isa sa pinakapopular na manlalaro sa mundo ng basketball, isa rin ito sa pinaka-aabangan sa gaganaping 23rd FIBA Asia U18 Championship na gaganapin sa Doha, Qatar simula Agosto 19 hanggang 28.

Umugong ang pangalan ni Kobe Paras matapos tulungan ang De La Salle University (DLSU) Green Hills Junior Blazers sa ikalawang puwesto sa Season 89 ng NCAA’s Juniors Division at naging bahagi ng Philippine team na nagwagi sa 2013 FIBA Asia U18 3x3 championship kung saan ay tinanghal din itong Slamdunk champion.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dahil dito ay kinuha ito sa Cathedral High School Phantoms sa Los Angeles, California. Bagamat hindi kataasan, ipinakita ni Paras ang kaalaman sa paglalaro kung saan ay ginamit nito ang agresibo at outside shooting para itala ang kabuuang 22 puntos kontra sa Long Beach Poly sa isang laro na nagbigay dito ng dagdag na atensiyon.

Bago pa man makapaglaro sa California, ipinakita ni Paras ang kanyang high flying act sa bansa sa 2014 DeMar DeRozan tournament at 2014 Adidas Nations Super 64 event.

Magbabalik muli si Paras para sa isang misyon sa Pilipinas sa pagsama sa koponan ng Filipino U18 team kontra sa mga kalaban sa Group B Prelim Round na kinabibilangan ng Jordan at Korea.

Makakasama nito ang mga inaasahan ding magbibigay karangalan sa bansa sina Aaron Black ng Ateneo, Mark Dyke ng National University (NU) at Radge Tongco ng San Beda.