Naghahanda na ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa pagbabahaybahay upang kumbinsihin ang mga Pinoy na magparehistro para makaboto sa 2016 presidential elections.

Ayon kay PPCRV Chairperson Henrietta de Villa, tutulungan nito ang Commission on Elections (Comelec) upang hikayatin ang mga botante na sumailalim sa biometrics registration.

Ito ay kasunod ng ulat na mula nang simulan ang voters registration ay may isang milyong botante lang ang nagpa-biometrics registration, gayung nasa 9.4 milyon ang wala pang biometrics at nanganganib na hindi makaboto sa susunod na halalan.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente