SAN PASCUAL, Batangas – Balik-selda ang isang pugante sa Batangas Provincial Jail (BPJ) matapos maaresto ng mga awtoridad sa La Union.

May kasong murder si Adiel Rulloda, 23 anyos, at nakatakas sa BPJ noong Disyembre ng nakaraang taon.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), bandang 2:00 ng hapon noong Martes nang maaresto si Rulloda sa tirahan nito sa Barangay San Benito Norte, Aringay, La Union.

Amain niyang si Romulo Faisan ang umano’y pinatay ni Rulloda noong Agosto ng nakaraang taon sa Bgy. Banaba, San Pascual, Batangas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20