Isang kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Enforcement and Security Service (ESS) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) dahil sa paghingi ng lagay sa pagsasaayos ng clearance ng “ukay-ukay” na nakumpiska ng bureau.

Kinilala ang suspek na si Ethel Bernas, Customs Operations Officer III (COO 3) at nakatalaga sa Auction and Cargo Disposal Division ng BOC sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Collection District. Dinakip siya kaugnay sa reklamo ng isang Jane Louise Balse sa Customs Police.

Ayon kay Balse, inalok siya ni Bernas na magbayad ng P1 milyon upang mapabilis ang paglabas ng mga container van ng used clothing mula sa Hong Kong at United States. Humingi din umano si Bernas ng karagdagang P425,000 para naman sa mga opisyal ng BOC. Ngunit sa kabila ng pagbibigay ng pera kay Bernas, ay hindi pa rin nailabas ang mga kargamento. Noong Agosto 8, muling humingi si Bernas ng P155,000 kay Balse, dahilan para magharap na siya ng reklamo.

Si Bernas ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Direct Bribery at Estafa. Sasampahan din siya ng kasong administratibo sa ilalim ng BOC Code of Conduct. - Mina Navarro

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente