TARLAC CITY— Patay ang dating driver ng mayor ng lungspd na ito nang pagbabarili ng isang riding-in-tandem sa mismong bahay nito noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Edward Del Rosario, may hawak ng kaso, ang biktima na si Lino Alamo, 35, ng Acacia Street, Block 3, Barangay Ligtasan, Tarlac City.

Sa follow-up investigation ng pulisya, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan nang biglang dumating ang dalawang armado na nakasakay sa Honda TMX 155 Motorcycle at pinagbabaril si Alamo.

Narekober ng mga rumespondeng tauhan ng Tarlac Provincial Crime Laboratory Office (SOGO) ang mga basyo ng bala at cellular phone ng biktima. - Leandro Alborote

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget