Inaresto kahapon ang alkalde at dalawang kawani ng munisipyo sa bayan ng Capalonga sa Camarines Norte, ayon sa pulisya.

Inaresto ng mga operatiba ng Capalonga Police si Mayor Jalgalado “Pretty Boy” M. Senandro, kasama sina Engr. Wilfredo I. Caldit Jr., municipal engineer; at Francisco Jueves Jr., Administrative Aide 1, pawang residente ng Barangay Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Dinakip ang tatlo sa bisa ng warrant na ipinalabas ng Sandiganbayan Second Division at pirmado ni Hon. Napoleon E. Inoturan, acting chairman.

Ayon kay Senior Insp. Lister A Saygo, hepe ng Capalonga Police, inaresto ang tatlo sa kasong malicious mischief na isinampa ni Rolando Saa dahil sa pagsira umano ng alkalde at nina Caldit at Jueves sa loob ng kanyang bahay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Agad namang nagpiyansa ng P10,000 bawat isa ang tatlong inaresto sa Regional Trial Court sa Daet, ayon kay Saygo. - Ruel Saldico