Tutulungan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang probinsiya ng Iloilo upang isaayos at maibalik sa kaaya-ayang kondisyon ang natatangi nilang stadium sa Region VI o bahagi ng Western Visayas.

Ito ay matapos humingi ng tulong ang dating House Majority Leader at ngayon ay Iloilo Governor na si Arthur D. Defensor Sr. sa PSC upang muling manumbalik sa maayos na kondisyon ang nag-iisa nilang sports complex.

“PSC Chairman Richie Garcia has ordered to send a team to look into the condition of the complex and will provide technical assistance in rehabilitation of Iloilo City sports stadium,” sinabi ni PSC Executive Director Guillermo Iroy Jr.

Ipinaliwanag ni Iroy na tanging technical assistance lamang ang maibabahagi ng PSC sa pagpapadala nila ng isang grupo na gagawa ng pag-aaral at mag-iinspeksiyon sa pasilidad.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Hopefully, within the year maayos natin iyong request ni Iloilo Governor Art Defensor. We will send architect Elnar to meet Pablito Araneta, former secretary general of PFF to oversee the reconstruction of the sports complex which they want to be operational for the benefit of Iloilo Province,” sinabi pa ni Iroy.

Inaasahang aabot sa P20-milyon ang magagastos ng Iloilo sa pagpapakumpuni sa kanilang sports complex na matagal nang proyekto ni Governor Defensor, ama ng kasalukuyang Congressman ng Quezon City na si Matt Defensor.