Aarangkada na sa buwan na ito ang 1st leg ng Juvenile Fillies at Colts Stakes races sa Philippine Racing Club Inc. (PRCI), ang tagapamahala ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Hahataw din ang Lakambini Stake race na lalarga naman sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Sa Agosto 24 idaraos ang unang leg ng Juvenile Fillies at Colts Stakes races.

Bukas para sa 2-Year-Old Fillies at Colts na may bigat na 52 at 54kgs. Ang maglalaban kung saan ay tatatakin nila ang distansiyang 1,000 meters.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ang 1st leg ng Juvenile Fillies ay magbibigay ng magandang laban para sa mga babae, gayundin ang Juvenile Colts Stakes race na paglalabanan ng mga lalake.

Mag-uuwi ng P600,000 ang mananalo habang P225,000 sa ikalawa, P125,000 sa ikatlo at P50,000 sa 4th place.

Sa Agosto 31 naman sisikad ang Lakambini Stakes race sa MMTCI.

Bukas naman ito para sa 3-Year-Old Fillies kung saan ay may nakalaang P1.2 milyon premyo ang karera na dito magkakagitgitan ang magkakalaban sa 1,000 meters distance.