Sa naunang mga henerasyon, may panahon sila na pagurin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pisikal na mga aktibidad. Kumikilos sila hanggang sa masaid ang kanilang lakas at isipan mula sa kanilang kabataan hanggang sa pagreretiro sa trabaho.
Ngunit iba ang henerasyon ngayon. Kumikilos na ang mundo upang matamo agad ang future. Makikita ito sa malalaking abante ng siyensiya at teknolohiya. Karamihan sa ating mga career ay nangangailangan ng mental effort kaysa pisikal. Gayon man, umaasa tayo na sa ating pagreretiro, mae-enjoy natin ang bawat araw ng panahon ng ating takip-silim tulad ng nakikita natin sa mga advertisement ng mga ahensiya ng travel and tours at mga larawan ng iba’t ibang aktibisad ng matatandang nagtatamasa ng kagandahan ng dalampasigan ng Boracay. Maraming kandidato sa pagreretiro ang umaasa na aktibo pa sila upang matamasa ang maginhawa at masayang pamumuhay sa susunod na dalawampu o tatlumpung taon pa.
Kung ikaw ay kandidato sa pagreretiro, narito ang ilang mungkahi upang manatiling aktibo nang matamasa ang masaya at maginhawang pamumuhay:
- Bumangon ka at simulan mong kumilos. - Dahil puwersado tayong bumangon nang maaga upang simulan natin ang trabaho, natural lamang na naisin nating matulog pa ng ilang minuto sa unang araw ng iyong pagreretiro. Wala nang mas mainam pa kaysa tingnan ang orasan at pagkatapos pipikit uli para sa karagdagang tulog dahil alam mong wala ka namang pasok na at walang pupuntahan. Ngunit kapag nakapagpahinga ka na mula sa stress ng iyong trabaho, maaaring matuklasan mo na lang na gusto mo talagang bumangon nang maaga. Ang mga unang oras ng umaga nang wala ka namang pupuntahan ay maaaring makapagdulot ng kapayapaan ng damdamin at kaginhawahan sa isipan. Ikaw ang magtatakda sa kung ano ang iyong gagawin sa araw na iyon. Hahangaan mo ring ang mga nagawa mo sa araw na iyon kapag bumangon ka nang maaga na hindi mo naman kailangang mag-report sa trabaho.
Marami pa bukas.