Balik na sa normal na operasyon sa NAIA 1 kahapon matapos na maalis ang sumadsad na eroplano ng Saudi Arabian Airlines (Saudia) sa runway ng paliparan noong Martes ng gabi, iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Ayon kay CAAP Deputy Director Rodante Joya, naalis sa runway bago maghatinggabi ang Saudia Flight 871 na sumadsad sa damuhan ng runway matapos itong mag-overshoot dakong 7:00 noong Martes gabi.

Ligtas naman lahat ang 298 pasahero ng Boeing 747-400 na patungo sana sa Riyadh (Saudi Arabia) subalit maraming pasahero ang stranded matapos maantala ang ibang flight dahil sa nakabalandrang Saudia plane sa runway.

Sama ng panahon ang nakitang dahilan ng miskalkulasyon ng piloto sa pag-takeoff, dagdag ng ulat.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho