SEOUL (AFP) – Tinanggihan ng North Korea ang imbitasyon na magpadala ng mga mananampalatayang Katoliko sa misang idaraos ni Pope Francis sa Seoul sa huling bahagi ng buwang ito, iniulat ng isang opisyal ng South Korean Church noong Martes.
Sa isang liham, tinukoy ng Korean Catholics Association (KCA) ng North ang pagtanggi ng Seoul na ikansela ang gaganaping joint military drill sa US forces na rason sa kanyang desisyon.
Si Pope Francis ay magsasagawa ng isang special Korean reconciliation mass sa Seoul sa huling araw ng kanyang August 14-18 visit sa South Korea.