HINDI sapat ang pagbabantay ng magulang o ng mga kapatid o ng sino mang nakatatanda upang maiwasan ang mga aksidente sa bahay na kinasasangkutan ng mga paslit, dahil hindi naman posible na sa lahat ng oras ay may nagbabantay sa kanila. May mga magulang na nakakalingat din.

Narito ang ilang paraan upang masaktan ng mga paslit ang kanilang sarili, pati na ang mga bagay na hindi alam ng mga magulang na mapanganib pala.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

  • Air house – Ito ay bahay-bahayan na gawa sa goma na binombahan ng hangin. Kahit mag-isa lamang ang bata roon, maaari niyang masaktan ang kanyang sarili sa pagtalun-talon. Totoong matalbog ang air house at sa maling pagtalon, maaaring mawala sa balanse ang bata ang bumagsak nang una ang ulo o likod at mauuwi sa bali. Lalo na kung maraming bata ang naglalaro doon, maaari silang magkauntugan ng ulo, mabalian ng braso o binti. Hindi naman masama ang hayaan ang iyong anak na maglaro sa air house sapagkat aktibo ito; babantayan lang sila nang mabuti. Kung may kaliitan ang iyong anak, huwag mong isama sa malalaking bata. Pangaralan itong huwag gumawa ng gymnastic moves tulad ng backflip, front flip at high jump.
  • Baterya. – Iba-iba ang hugis ng baterya, may maliit, may malaki, may hugis butones at hugis barya. Makikintab ang mga ito at madaling makaakit ng atensiyon ng curious na mga paslit. Mas naaakit ang mga paslit sa mga bateryang parang butones na pakalat-kalat lang sa bahay, sa ibabaw ng tokador o mga kahon ng kung anu-anong gamit. Maaari nilang malulon ito lalo na kung ang baterya na maaaring bumara sa lalamunan at may mataas na lithium pa na nakalalason. Maaari rin silang malason sa paglunok ng toothpaste, dishwashing paste, ang popular na silver cleaner at marami pang ibang inaakala mong harmless na mga panlinis sa kusina.

Kung maaari, ilagay sa mataas na lugar ang mga nakalalasong kemikal na ginagamit sa kusina at banyo. Mas mainam na ipaliwanag sa bata sa simpleng mga salita ang panganib na dulot ng mga naturang kemikal.

May ilan pa bukas.