CONCEPCION, Tarlac – Namatay ang isang driver ng motorsiklo at grabe namang nasugatan ang kaangkas niya matapos nilang makabanggaan ang kasalubong na Isuzu closed van sa Barangay Alfonso, Concepcion, Tarlac, Lunes ng gabi.

Kinilala ni PO3 Julius Santos, traffic investigator, ang nasawi na si Alberto Antonio, 42, ng Bgy. San Vicente; habang malubha ang kaangkas niyang si Roxy Balajadia, 39, ng Sitio Pad-Pad, Bgy. San Nicolas, Concepcion, Tarlac.

Ang closed van (NKL-588) na nakabanggaan ng motorsiklo ay minamaneho ni Arnulfo Villapana, 50, ng Bgy. Alfonso ng nasabing bayan. - Leandro Alborote

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod