Sa kanyang pagtatalumpati sa harap ng isang grupo ng kabataan mula sa Diocese of Rome na nagsisimula ng kanilang bokasyunal na paglalakay sa Lourdes Grotto sa Vatican Gardens noong Hunyo 30, 2014, sinabi ni Pope Francis na sa probisyunal na kultura ngayon, kailangang hindi mawala ang katiyakan o definitive. “We are afraid of the definitive. And to choose a vocation, any vocation, including vocations that involve a ‘state’ such as marriage, consecrated life, the priesthood, one must choose with a view to the definitive. This is contrary to the culture of the provisional. It is a part of the culture in which we must live in this time, but we must live through this and conquer it.”

Sinabi rin niya na kailangan ng isang Kristiyano ang dalawang ina: ang Simbahan at ang Mahal na Birhen. Upang “subukan” ang isang tunay na bokasyong Kristiyano, aniya, kailangang tanungin ang sarili, “Ano ba ang relasyon ko sa dalawang inang ito?” Hinimok niya ang grupo na ituon ang kanilang paningin sa Mahal na Birheng Maria habang nagpapasya sila kung anong bokasyon ang kanilang pipiliin. Namighati ang Papa dahil may ilang Kristiyano ang nagsasabi na mahal nila si Maria ngunit inaaming hindi naman sila nagdarasal sa Ina ng Diyos. Kanyang binigyang-diin na “a Christian without Mary is an orphan”.

Si Maria, na pinarangalan ng mga titulo ng “refuge of sinners”, “comforter of the afflicted”, “health of the sick”, at “help of Christians”, at iba pa, ay may espesyal na pitak sa puso ng mga Katolikong Pilipino. Minsang sinabi ni Jesuit theologian Fr. Catalino Arevalo, “To understand Filipino Catholics, one must understand their love for Mary”. Sinabi naman ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, sa kanyang foreword para sa kanyang coffee table book na Pueblo Amante de Maria: The Filipinos’ Love for Mary, ay inilarawan ang mga Pilipino bilang “…a people, a nation in love with the Blessed Virgin Mary because she loves us… We love Mary because she is the Spirit-filled Mother given to us by Jesus before He breathed His last. A new family was born at the foot of Jesus’ cross… Mary and Jesus’ disciples are at the core of that spiritual family of God.”

Ang mensahe ng Papa sa grupo ay nagsisilbing isang napapanahong paalala na lumapit tayo sa Mahal na Ina dahil nananatili siya sa ating piling tulad ng pananatili niya sa piling ng kayang Anak na si Jesus sa Kanyang mahaba at mahirap na paglalakbay.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente