Hindi natinag ang mga residente sa Kawit, Cavite kahit pa bumuhos ang ulan at may malakas na hangin nang magpartisipa kahapon sa PSC Laro’t-Saya, PLAY N LEARN program sa Aguinaldo Shrine sa Freedom Park.

Umabot sa kabuuang 67 katao ang sumali at nakisaya matapos na ilipat ang pinagganapang lugar sa covered court malapit lamang sa parke kung saan ay 34 ang nagpapawis sa aerobics, 13 sa badminton, 8 sa taekwondo at 12 sa volleyball.

“Talaga pong inaabangan namin tuwing Sabado ang programang ito ng PSC at nina Mayor Tik at Vice Paul,” sinabi ni aling Rosita Reyes, palaging kasama ang dalawang apo na nagaaral naman ng taekwondo. “Sila ang talagang nagyaya sa akin pumunta dito.”

Ipinaliwanag naman ni PSC Area Coordinator Alona Quintos na ipinagpatuloy pa rin ang pageehersisyo, bagamat umulan, dahil na rin sa kahilingan ng mga dumadalong magulang sa libreng pagtuturo sa aerobics, badminton, volleyball at taekwondo.

Internasyonal

Pope Francis, nanawagan sa mga magulang, guro na labanan ‘bullying’

“Maulan din last week at gusto nila na kahit doon lang sa maliit na stage isagawa ang aerobics. Hindi sila nagpapigil na kahit lang daw ilang oras sila makapagpapawis ay okey na,” sinabi ni Quintos.

Nakasenla naman ang ginanap na aktibidad sa Quezon City Memorial Circle bunga ng malakas na pag-ulan.