CONAKRY, Guinea (AP) – Mas mabilis ang pagkalat ng Ebola na pumatay sa mahigit 700 katao sa West Africa kaysa pagpapatupad ng mga hakbangin upang makontrol ang sakit. Ito ang babala ng pinuno ng World Health Organization (WHO) sa mga presidente ng mga apektadong bansa na nagpulong noong Biyernes sa kabisera ng Guinea.

Sinabi ni Dr. Margaret Chan, director-general ng WHO, na ang pulong sa Conakry “must be a turning point” sa laban kontra Ebola, na nakaapekto na sa mga mamamayan ng tatlong kabisera sa Africa na una sa kasaysayan.

“If the situation continues to deteriorate, the consequences can be catastrophic in terms of lost lives but also severe socio-economic disruption and a high risk of spread to other countries,” sabi ni Chan, kasabay ng paglulunsad ng WHO sa isang $100-million response plan na kinabibilangan ng pagtatalaga sa daan-daan pang health care worker.
National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa