Ginapi ng Philippine Army ang PLDT Home Telpad sa loob ng tatlong sunod na sets habang tinalo naman ng huli ang defending champion Cagayan Valley sa loob din ng tatlong sets.

Ngunit nakuhang biguin ng Lady Rising Suns ang Lady Troopers sa loob ng apat na sets kaya nagkaroon ng three-way tie sa liderato papasok sa quarterfinals ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference.

Kasunod ng tatlo na may hawak na barahang 6-1 (panalo-talo) ang Philippine Air Force na may carry-over record galing sa eliminations na 4-3 habang kabuntot naman nila ang National University na may kabaligtarang kartada na 3-4.

Dahil dito, inaasahang magiging maigting ang labanan sa susunod na round na magsisimula bukas (Linggo) lalo pa at hahabol ang tailender team na Ateneo na may bitbit na record na 2-5 para buhayin ang kanilang pag-asa na makahabol sa Final Four.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Para mangyari ito, kailangan ng Lady Eagles na maipanalo ang lahat ng limang laro nila sa playoff round at umasang hindi makapagtala ang sinusundang NU at Air Force ng pitong panalo para makahirit ng palyoff berth para sa huling semifinals slot.

Batay sa format, ang top four teams matapos ang single round robin quarters ay uusad sa crossover semis.

Kaya naman inaasahang magiging dikdikan ang bawat playdates ng quarters sa ligang ito na itinataguyod ng Shakey's.

Nakatakdang magsagupa bukas sa quarters ang PLDT Home Telpad at ang Ateneo sa tampok na laban sa ganap na alas-4:00 matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Air Force at National University sa ganap na alas-2:00 ng hapon.