BALITA
82 lalawigan, magkakaisa para sa Christian celebration bukas
Idaraos bukas, Nobyembre 30, 2015, ang enggrandeng selebrasyon ng sama-samang pananalangin at pagpupuri sa 82 lalawigan sa bansa, bukod pa sa isang global outreach para sa mahigit tatlong milyong overseas Filipino worker (OFW), sa Luneta Grandstand sa Maynila. Inilunsad sa...
55 sa Isabela, nalason sa isda
TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Nasa 55 residente mula sa dalawang barangay sa Naguillian, Isabela, ang napaulat na nalason sa pagkain, ayon sa local health office. Kinumpirma nitong Biyernes ni Dr. Maricar Capuchino, municipal health officer ng Naguillian, na 55 residente mula...
3 patay, 10 sugatan sa karambola ng 4 na sasakyan sa Albay
CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Tatlong katao, kabilang ang isang dayuhan, ang kumpirmadong nasawi, habang 10 iba pa ang nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa national highway ng Barangay Busay, Daraga, Albay, nitong Biyernes ng hapon, ayon sa pulisya....
Proyekto para sa biyaheng Tutuban-Malolos, pinondohan
Sisimulan na ang North-South Commuter Railway (Malolos-Tutuban) project, ayon sa Department of Transportation and Communications (DoTC). Ito ay matapos pirmahan nina Finance Secretary Cesar V. Purisima at Noriaki Niwa, chief representative ng Japan International Cooperation...
Pinoy sa Dubai, pinag-iingat vs scam
Pinag-iingat ng Konsulado ng Pilipinas sa Dubai ang publiko, partikular ang mga donor, laban sa mga scam na gumagamit ng mga charitable organization. Kinumpirma ng Konsulado sa Dubai at Northern Emirates na nakatanggap ito ng impormasyon kaugnay ng panloloko ng mga...
Pacquiao kay Binay: Walang iwanan
Walang balak ang world boxing champion na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao na iwan sa ere si Vice President Jejomar Binay matapos na imbitahin ang una ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa senatorial line up ng alkalde. “Ayoko talaga ng pabagu-bago,” pahayag ni Pacquiao...
PNoy kay Bongbong: Dapat kang mag-sorry sa martial law
Hindi pa rin tinatantanan ni Pangulong Aquino si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kaugnay ng pagtanggi ng huli na humingi ng paumanhin sa libu-libong biktima ng martial law. Upang ipamukha sa senador ang malagim na yugto ng diktadurya ng yumaong ama ng senador na...
Drug test, kaysa NBI police clearance, sa lisensiya—transport group
Drug testing sa mga driver at hindi clearance ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) ang dapat gawing requirement sa pagkuha ng driver’s license. Ito ang iginiit ni Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) National...
Shopping malls sa EDSA, pinalawig ang operating hours
Nagkasundo ang may-ari ng malalaking shopping mall sa EDSA na palawigin ang kanilang operating hours upang bigyan ang publiko ng mas mahabang oras upang makapag-shopping sa gitna ng matinding trapiko habang papalapit ang Pasko. Simula sa Martes, Disyembre 1, hanggang sa...
Australian na nabagsakan ng semento, maayos na ang kondisyon
Nasa ligtas nang kalagayan sa pagamutan ang 52-anyos na babaeng Australian na nabagsakan sa paa ng tipak ng semento mula sa dine-demolish na Mandarin Oriental Hotel sa Makati City, nitong Biyernes ng hapon. Nagpapagaling na sa Makati Medical Center si Suzane Mellor, matapos...