BALITA
Mag-asawa, binaril sa harap ng anak; patay
Patay ang isang mag-asawa makaraan silang pagbabarilin ng dalawang suspek habang sakay sa isang motorsiklo, kasama ang limang taong gulang nilang anak na babae, sa Sitio Matab-ang, Barangay Day-as, Cordova, Cebu, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na...
P0.45 dagdag singil sa gasolina
Inalmahan ng mga motorista ang pagpapatupad ng oil price hike ng mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes ng umaga. Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay magtataas ito ng 45 sentimos sa presyo ng kada...
PH-US relations, nakataya muli sa Laude murder case
SUBIC BAY FREEPORT – Habang inaantabayanan ng mga gobyerno ng Pilipinas at Amerika ang pagbababa ngayon ng desisyon ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) sa kaso ng pagpatay sa Pinoy transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude, na ang pangunahing suspek ay isang...
Kagawad na ina ni 'Pastillas Girl', pinatay
Binaril at napatay ang ina ng online sensation na si “Pastillas Girl” matapos siyang magsimba kasama ang isa pang anak na babae sa Caloocan City nitong Linggo ng gabi. Ayon sa pulisya, malapitang binaril sa likod ng ulo si Teresa “Teteng” Yap, 43, ina ni Angelica...
Saku-sakong bigas na ibinaon, iimbestigahan
Iniutos na ni National Food Authority (NFA) Administrator Renan Dalisay ang imbestigasyon sa saku-sakong bigas na itinapon sa Barangay Macaalang, Dagami, Leyte. Sinabi ni Dalisay na nagpalabas na siya ng direktiba sa NFA-Eastern Visayas upang pangunahan ang pagsisiyasat sa...
97 police trainee, nalason sa adobo
Nalason ang may 97 trainee ng Police Regional Office (PRO)-13 makaraang makakain ng adobong manok at ginataang kalabasa sa Surigao City, Surigao del Norte, iniulat kahapon. Nakalabas na ng ospital ang 70 sa 97 police trainee na nalason sa kinaing tanghalian. Kuwento ni...
Ina, 2 anak, nalunod sa ilog
KALIBO, Aklan - Isang 35-anyos na ina, kasama ang dalawang menor de edad niyang anak, ang namatay matapos malunod sa ilog sa Barangay Unidos, Nabas, kamakailan. Kinilala ng awtoridad ang mga nasawi na si Joyce Baliguat, at anak niyang sina Prince, 4; at Jodicious, isang...
Lalaki, pinatay sa peryahan
LIPA CITY, Batangas – Namatay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng peryahan sa Lipa City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Danilo Caraig, na agad namatay sa insidente matapos tamaan ng bala ng...
Pampanga, 12 oras walang kuryente
TARLAC CITY - Malawakang power interruption ang mararanasan sa ilang bahagi ng Pampanga bukas, Disyembre 1, na aabot ng 12 oras. Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)-Central Luzon Corporate Communication and Public Affairs Officer Ernest Lorenz Vidal,...
Seguridad sa Boracay, pinaigting
Mahigpit na ipinatutupad ngayon ng pulisya ang security plan sa Boracay Island sa Malay, Aklan bilang paghahanda sa anumang banta sa isla, ilang linggo matapos ang terror attack sa Paris, France. Ayon kay Chief Supt. Bernardo Diaz, director ng Police Regional Office (PRO)-6,...