LIPA CITY, Batangas - Dinala sa himpilan ng pulisya ang isang preso matapos umano itong makuhanan ng hinihinalang shabu sa loob ng selda nito nang magsagawa ng inspeksiyon ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Lipa City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Angelito Basisao, 32, na nahaharap sa kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon sa report ni PO3 Oliver Morcilla, dakong 11:45 ng gabi nitong Linggo nang nagsagawa ng sorpresang inspeksiyon ang grupo ni Jail Inspector Nicanor Matining II sa loob ng 9B dormitory, na roon nakapiit si Basisao.

Nakuha umano sa shelf ng higaan ni Basisao ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.
National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol