Sharon Cuneta

TATLONG taong nawala sa ABS-CBN si Sharon Cuneta dahil lang sa maliit na tampo na pinalaki raw ng ibang tao kaya siya napalipat sa ibang TV network.

Sa pagbabalik Kapamilya ni Sharon kahapon ay ikinuwento niya na may kasalanan din siya kung bakit lumaki ang isyu niya dahil nagtiwala siya sa taong mali ang ipinarating sa ABS-CBN management at ipinararating din sa kanya.

Kaya natutuhan ni Mega na, “’Pag meron kang tampo, hindi ‘yung dapat may ibang nagbi-bridge between you at ‘yung pinagkakatampuhan mo.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

“Like ‘yung I have tampo here (ABS-CBN), which is really the real reason why I left, but it could have been fixed, it was so simple pero iba ‘yung nakakarating sa kanila, iba ‘yung nakakarating sa akin. So now I know.

“Why did I let go that trust for a minute, it was admittedly a little stupid of me and a little selfish, I should have talked to the people that I thought kung sino ‘yung pinagtatampuhan ko kasi now, nagkaharapan nu’ng nagmi-meeting kasi ‘yung lumabas, mali all the while ‘yung iniisip ko at mali rin ‘yung nakakarating sa kanila.

“Siguro from that experience, mas gusto ko na ‘yung kaharap ko so you have to be able to express the feelings and listen also to what to say to other party especially if there’s a lot of love between you.  

“It was a very tiny reason, you know, parang hindi na dapat ganu’n. Pangalawa, and the most important of all, I woke up, more accurately, God woke me up, it was a painful awakening na parang reminded me and made me realize na all my blessings na nakasanayan ko, I had been more complacent about. So natuto akong mag-appreciate ng bawat biyayang dumating, like now, sine-celebrate ko bawat biyaya.

“Hindi na ako gumagawa ng desisyon ng nalilimot kong kumonsulta sa pagdarasal kasi tao lang tayo, nagkakamali, kaya kapag may guidance ka, anuman ang outcome, alam mong isinangguni mo kasi iyon ang gusto niya.”

Samantala, per program ang kontrata ni Sharon sa ABS-CBN sa ngayon at uunahin niya munang maging jury sa programang Your Face Sounds Familiar kasama sina Jed Madela at Gary Valenciano na mapapanood na simula sa Marso 14 and 15.