BALITA
11 biktima ng human trafficking, pinigil sa NAIA
Napigilan ng mga immigration officer sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isa na namang pagtatangka ng isang human trafficking syndicate na ipuslit sa paliparan ang 11 hindi dokumentadong Pinoy domestic helper, na nagpanggap ng mga misyonero na patungong Middle...
8-anyos na dinukot sa Quiapo, na-rescue
Isang walong taong gulang na lalaki, na unang naiulat na kinidnap ng sindikato, ang nasagip ng awtoridad sa Quiapo, Maynila kahapon. Sinabi ng pulisya na ang paslit, na naiulat na halos isang buwan nang nawawala, ay nasagip ng mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community...
11 sugatan sa grenade explosion sa Caloocan
Aabot sa 11 katao ang nasugatan makaraang ihagis ng isang hindi kilalang lalaki ang isang granada sa isang mataong lugar nang maburyong dahil hindi mahanap ang kanyang kaibigan sa Camarin, Caloocan City, kahapon ng umaga. Sinabi ng pulisya na naglalaro ng bilyar ang mga...
Pag-amyenda sa Firecrackers Law, iginiit ni Gatchalian
Habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, nanawagan si Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian sa gobyerno na mahigpit na ipatupad ang batas sa mga paputok at pailaw sa pamamagitan ng pag-amyenda sa batas na ipinaiiral sa mga produktong gumagamit...
Nguyain nang dahan-dahan ang pagkain—DoH
Ni CHARINA CLARISSE L. ECHALUCE Dahil kabi-kabila ang kainan tuwing Pasko at Bagong Taon, pinaalalahanan ng Department of Health (DoH) ang publiko na dahan-dahanin ang pagnguya sa pagkain upang mapanatili ang kalusugan. “Inaabot ng 20 minuto upang makarating sa kaalaman ng...
Climate pact ng 195 bansa, 'best chance to save our planet'
NAGBUBUNYI Masayang-masaya sina (mula sa kaliwa) Executive Secretary of the UN Framework Convention on Climate Change Christiana Figueres, United Nations Secretary-General Ban Ki-moon, French Foreign Minister Laurent Fabius, at French President Francois Hollande matapos...
Gambia, idineklarang ‘Islamic state’
BANJUL, Gambia (AFP) – Idineklara ni President Yahya Jammeh ang Gambia bilang “an Islamic state”, ngunit binigyang-diin na irerespeto ng bansa ang lahat ng karapatan ng minoryang Kristiyano sa maliit na west African country at hindi oobligahin ang kababaihan sa isang...
Diyalogo ng SoKor at NoKor, bigo
SEOUL, South Korea (AFP) – Nagwakas ang dalawang araw ng pambihirang pulong ng matataas na opisyal ng North at South Korea, na layuning pahupain ang tensiyon sa hangganan ng dalawang bansa, nang walang napagkakasunduan at hindi rin nagtakda ng petsa para sa pagpapatuloy ng...
Kristiyanong female fighters, kumasa vs IS
HASAKEH, Syria (AFP) – Hindi pinagsisisihan ni Babylonia na kinailangan niyang iwan pansamantala ang dalawa niyang anak at ang kanyang trabaho bilang hairdresser upang lumahok sa isang Kristiyanong militia ng kababaihan na lumalaban sa Islamic State sa Syria. Naniniwala...
China, sinasagad ang Navy drills
BEIJING (Reuters) – Kinumpirma kahapon ng Defense Ministry na nagsagawa ng mas maraming military exercises ang Chinese Navy sa pinag-aagawang South China Sea sa nakalipas na mga araw, at tinawag ang mga ito na routine drill. “The People’s Liberation Army Navy in recent...