SANTA IGNACIA, Tarlac - Nagtamo ng grabeng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang computer technician matapos siyang pagbabarilin ng tatlong armado sa Barangay Caanamongan sa Santa Ignacia, Tarlac, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Jay Espiritu ang biktimang si Jayson Nicodemus, 28, ng Bgy. Caanamongan, Santa Ignacia.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang 11 basyo ng bala mula sa hindi pa matiyak na kalibreng baril.

Nag-iimbestiga pa ang pulisya.
National

Sonny Angara, nagbitiw na bilang senador