NASUGBU, Batangas - Halos manlumo ang isang ama nang matagpuang nakalutang sa irigasyon ang katawan ng limang taong gulang niyang anak sa Nasugbu, Batangas.

Bandang 11:00 ng gabi nitong Marso 10 nang matagpuan ni Alvin Samson ang bangkay ng anak na si Josh sa irigasyon ng Barangay Cogunan sa Nasugbu.

Kinabukasan na nai-report sa pulisya ang insidente.

Nabatid sa imbestigasyon ni PO3 Ramon Sale na naglalaro ang bata nang mahulog at malunod sa irigasyon.
National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian