BALITA

Mag-asawang British, magpapakalbo para sa may cancer na anak ng Pinay maid
Isang mag-asawang British corporate lawyer sa Singapore ang nakatakdang magpakalbo sa Enero 13, 2016 upang makalikom ng pondo para sa may cancer na anak ng kanilang Pinay maid.Si Mariza Canete ay anim na taon nang nagtatrabaho para sa pamilya ni Isabelle Claisse. Nang...

Ex-Senator Migz Zubiri, nawalan ng gamit sa airport
Nawala ang laptop computer ni dating Senator Juan Miguel “Migz” Zubiri habang pabalik sa Manila mula sa Bangkok, Thailand matapos magbakasyon.Kinumpirma ni Philippine Airlines (PAL) Spokesperson Cielo Villanueva na nagreklamo si Zubiri tungkol sa kanyang nawawalang...

Pilipinas, magpoprotesta sa runway test ng China
Sinabi ng gobyerno ng Pilipinas noong Lunes na tulad ng Vietnam, tinututulan din nito ang kamakaila’y pagsubok ng China sa bagong kumpletong runway sa isa sa pitong isla na itinayo ng Beijing sa pinagtatalunang West Philippine Sea (South China Sea).Sinabi ni Department of...

Sputnik, dedo sa resbak ng tinangkang patayin
Isang 32-anyos na lalaki ang nasawi makaraang barilin ng dati niyang nakaaway at muntik na niyang mapatay sa saksak sa Tondo, Maynila, nitong Linggo ng hapon.Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital si Jojo De Vera, miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, at...

Apartment owner: Nasunugan na, ninakawan pa
May kasabihan na mas mabuti pang ninakawan nang 10 beses kaysa masunugan.Pero paano kung nangyari sa’yo ang parehong kamalasan?Ito ang naging karanasan ni Melani Guinto, 44, na sa kanyang three-storey apartment unit sa Dian Street sa Malate nagsimula ang sunog dakong 10:30...

P100,000 reward vs tanod na nakapatay ng paslit
Nag-alok si acting Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña ng P100,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon upang matukoy ang kinaroroonan ng isang barangay tanod na nakapatay ng dalawang katao, kabilang ang isang pitong taong gulang na lalaki, sa boundary ng...

Live-in partners, sugatan sa naghuramentado
Sugatan ang isang mag-live-in partner matapos saksakin ng binatang lasing na nag-amok at nagpaputok ng baril sa Malabon City, nitong Linggo ng hapon.Kinilala ang mga biktima na sina Jofil Siwala, 30, security guard; at Meliza Dosdos, 32, kapwa residente ng Sitio 6, Barangay...

Video ng ilegal na pagpapaputok ng baril, naging viral
Kailan kaya tayo matututo?Matapos ang selebrasyon sa Bagong Taon, sari-saring video na nagpapakita sa ilang indibidwal habang ilegal na nagpapaputok ng baril, ang naging viral sa social media.Sa ipinaskil sa Facebook noong Enero 2, isang lalaki na nakasuot ng cap ang nakita...

Gurong magsisilbing BEIs, may P4,500 honorarium
Mananatiling P4,500 ang matatanggap na honorarium ng mga public school teacher na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) sa eleksiyon sa Mayo 9, na gaya rin ng natanggap nilang honorarium sa 2013 midterm polls.Ito ay sa kabila ng panawagan ng mga guro na taasan ang...

Target ng PNP sa election period: Loose firearms, private armed groups
Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang eleksiyon sa Mayo 9, kaya naatasan ang mga police commander na paigtingin ang kampanya laban sa mga hindi lisensyadong baril at mga private armed group (PAG) na karaniwang ginagamit ng mga pulitiko sa pananakot sa mga...