Nailugso ng isang lalaki ang puri ng isang 16-anyos na babae na hinalay niya sa isang birthday party sa Malabon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kasama ang kanyang ina, nagtungo sa opisina ni SPO2 Ana May Pascua, deputy chief ng Malabon City Police Women’s and Children’s Protection Desk, ang biktima para magharap ng reklamo laban kay Robert Trabalo, 25, ng Block 8, Lot 28, Phase 2, Area 3, Hito Street, Barangay Longos.

Kuwento ng biktima, inimbitahan siya ng kaibigang si Raven Pasiga na dumalo sa birthday party nito sa Bgy. Longos, Malabon City.

Nagpaunlad ang dalagita at nagpunta sa party dakong 6:00 ng gabi, at nagkaroon ng inuman, na dinaluhan din ni Trabalo, na kapitbahay ni Pasiga.

Internasyonal

Pope Francis, may inelbow na Cardinal; hindi raw pwedeng sumali sa conclave?

“Hindi na nakauwi ‘yung victim dahil nalasing at nakitulog na raw sa bahay nina Raven,” sabi ni Pascua.

Dakong 11:00 ng gabi nang ginapang at hinalay umano ni Trabalo ang dalagita na nagising at namukhaan ang suspek.

Kinabukasan, nagsumbong ang biktima sa kanyang ina kaya tumuloy sila sa presinto at inaresto ang suspek sa bahay nito. (Orly L. Barcala)