BALITA
Karagdagang airport personnel sa Christmas season, hiniling
Hiniling ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretary Joseph Emilio Abaya na magtalaga ng karagdagang tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang matulungan ang mga dumadagsang pasahero ngayong...
12-day ceasefire sa NPA, idineklara ni PNoy
Nagdeklara ng 12 araw na suspension of military operations (SOMO) ang administrasyong Aquino sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ngayong Pasko at Bagong Taon. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang rekomendasyon ng Department of National Defense...
Helper, nadaganan ng salamin, patay
Isang freelance helper ang nasawi nang madaganan ng malaking salamin na kanilang idinidiskarga sa delivery truck mula sa ikasiyam na palapag ng isang gusali sa Binondo, Manila, nitong Sabado ng hapon. Dead on the spot ang biktimang si Ever Dances Rosselosa, 22, residente...
Artists ‘group, pumalag sa paniniktik ng militar
Binatikos ng isang grupo ng mga artisa ang umano’y harassment ng military sa kanilang mga kabaro, na pinaghihinalaang tagasuporta ng mga Lumad na nakararanas ng panggigipit ng mga awtoridad sa Mindanao, nitong mga nakaraang linggo. Sinabi ni Archie Oclos, isang visual...
Duterte, umatras sa debate kay Roxas
Umatras sa Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa hamon ng una na sila ay magdebate. Ito ang bagong kabanata sa serye ng sagutan ng dalawang kandidato para sa pangulo sa halalan sa 2016. Sinabi noon ni Duterte na handa siyang...
Estudyante, arestado sa pagdadala ng marijuana sa school event
Hindi na nakadalo ang isang estudyante ng University of Santo Tomas (UST) ng UST Paskuhan 2015 matapos makuha sa kanyang pangangalaga ang pinatuyong dahon ng marijuana habang papasok sa campus ground noong Biyernes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Miguel Viola,...
18 sumukong NPA, nabiyayaan ng cash gift
Maagang nakatanggap ng “pamasko” mula sa pamahalaan ang 18 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos silang sumuko sa awtoridad sa Camp Bancasi sa Butuan City upang magbagong buhay. Ayon sa militar, ang mga sumukong NPA fighter ay dating mga miyembro ...
Price freeze sa calamity area, mahigpit na ipatutupad –DTI
Ni BELLA GAMOTEA Mahigpit na ipatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of national calamity. Nagbabala ang DTI sa mga negosyanteng mahuhuling magsasamantala na papatawan sila ng...
Walang number coding para sa mga turista ng Baguio
Inaprubahan ng Baguio City government ang suspension ng number coding scheme, para sa mga banyaga at lokal na turistang inaasahang aakyat sa mountain destination ngayong Kapaskuhan. Nilagdaan ni Mayor Mauricio Domogan ang Administrative Order 172, para sa...
DoH, naka-code white alert na
Simula ngayong araw, Disyembre 21, ay naka-Code White Alert na ang lahat ng mga retained hospitals, regional offices at mga pasilidad ng Department of Health (DoH) para sa Kapaskuhan. Sa ilalim ng Code White Alert, lahat ng hospital personnel sa buong bansa ay nakaantabay...