May 21, 2026

Home SHOWBIZ

Angel Locsin, binasag pananahimik sa socmed; bumoses para sa ABS-CBN

Angel Locsin, binasag pananahimik sa socmed; bumoses para sa ABS-CBN
Photo Courtesy: Angel Locsin, ABS-CBN (FB)

Nagsalita ang versatile actress na si Angel Locsin sa gitna ng public relations attack laban sa ABS-CBN.

Umalingawngaw kasi kamakailan ang ulat na isa sa mga miyembro umano ng pamilya Lopez ang nagpanukalang isara na nang tuluyan ang ABS-CBN.

Ito ay dahil umano sa mga obligasyong pampinansyal nito, na lubos na naapektuhan simula nang hindi aprubahan ang franchise renewal ng estasyon noong 2020.

Maki-Balita: Away-Kapamilya! ABS-CBN nagsalita sa isyu ng 'shut down,' alitan ng pamilya Lopez 

Kaya sa isang Facebook post ni Angel noong Sabado, Abril 18, tinindigan niya ang nasabing kompanya na minsan niyang naging tahanan sa loob ng ilang taon.

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

"Kapamilya? Hindi mang Lopez ang apelyido ko—I may be retired  and no longer an employee–pero ang puso ko, nandito pa rin. Titindig para sa ating pamilya,” saad ni Angel.

Dagdag pa niya, “True to your slogan: 'Once a Kapamilya, always a Kapamilya.' Buong puso, hanggang ngayon—para sa ABS-CBN.”

Matatandaang bihira nang magparamdam si Angel sa publiko—sa birtwal man o personal. Nagsimula ito matapos ang 2022 national elections. 

MAKI-BALITA: Angel Locsin ineenjoy absence sa social media 

Ngunit nang magbukas ang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0, panaka-nakang makikita ang posts niya sa social media para ihayag ang suporta sa anak-anak niyang si Joaquin Arce na kabilang noon sa housemates.

MAKI-BALITA: Nag-congrats kay Joaquin Arce: Angel Locsin, magbabalik na?