BALITA
SC, pinatatahimik ang mga kampo sa DQ case ni Poe
Inutusan ng Supreme Court (SC) noong Huwebes ang mga partido sa petisyong inihain ni Senator Grace Poe-Llamanzares laban sa Commission on Elections (Comelec) na itigil na ang pagbibigay ng anumang komento sa media kaugnay ng isyu. Ito ang ipinahayag ni Atty. George Garcia,...
Pag-atake sa Indonesia, kinondena ng Pilipinas
Kasunod ng mga terror bombing sa Jakarta, ang kabisera ng Indonesia, na ikinamatay ng pitong katao noong Huwebes, pinayuhan ng local security forces ang publiko na maging mas maingat at mapagmatyag. “Our security forces are well aware of the emerging threat and have been...
Napoles, tetestigo sa kasong graft
Binabalak ng itinuturong utak ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles na tumestigo sa pagsisimula ng paglilitis sa Sandiganbayan. Nagsumite ang mga abogado ni Napoles ng kanilang pre-trial brief sa Sandiganbayan Fifth Division para sa mga kasong graft ng kanyang kapwa...
Plane ticket ng 5 OFW na minaltrato sa Dubai, sinagot ni Binay
Limang overseas Filipino worker (OFW), na humingi ng tulong sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai matapos makaranas ng pagmamaltrato ng kanilang employer, ang sinundo ni Vice President Jejomar Binay matapos niyang makatagpo ang mga ito sa kanyang tatlong araw...
SolGen, pinahaharap sa oral argument sa DQ case vs. Poe
Inatasan ng Korte Suprema na dumalo sa oral argument na itinakda sa Enero 19 si Solicitor General Florin Hilbay hinggil sa disqualification case ni Senator Grace Poe. Base sa limang-pahinang guidelines na inisyu ng SC, hiniling nilang magbigay si Hilbay ng kanyang pananaw...
Miss Colombia sa mga Pinoy: Salamat!
Malinaw na nakapag-move on na si Miss Colombia Ariadna Gutierrez sa kontrobersiya sa 2015 Miss Universe beauty pageant noong nakaraang buwan matapos siyang magpasalamat sa mga Pilipino, gamit ang wikang Filipino, at kumain pa siya sa Filipino restaurant sa Chicago...
Tripleng consultancy fee sa DoTC, naungkat ng CoA
Hindi lamang doble kundi triple pa ang naging gastos ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa consultation services ng kagawaran noong 2014. Ito ang natuklasan ng Commission on Audit (CoA) matapos ang isinagawa nitong pag-aaral sa usapin. Tinukoy ng CoA...
11.2-M pamilyang Pinoy, lubog pa rin sa kahirapan—solon
Inalog ni Nationalist People’s Coalition (NPC) Congressman Win Gatchalian ang pamahalaang Aquino dahil sa umano’y kabiguan nitong maiparamdam sa mga maralitang Pinoy ang ibinabanderang “economic growth” sa ilalim ng liderato nito. Sinabi ni Gatchalian na ang resulta...
Comelec: Publiko, maaaring magtanong sa 'PiliPinas Debates 2016'
Hinikayat ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na makibahagi sa “PiliPinas Debates 2016” ng poll body sa pagsusumite ng katanungan sa iba’t ibang isyu na tatalakayin ng mga kandidato sa pagkapresidente at pagka-bise presidente. Inihayag ni Comelec...
Senators, 'di na hihirit sa pag-veto ni PNoy sa SSS pension
Walang balak ang mga senador na humirit pa sa pag-veto ni Pangulong Aquino sa isang panukala na humihiling ng karagdagang P2,000 pensiyon sa mga retirado, dahil hihintayin na lang nila ang bagong administrasyon para isulong ang pagsasabatas nito. Sinabi ni Sen. Cynthia...