Balita Online
Malacañang: Detalye ng 'Yolanda' rehab, malayang mabubusisi
Nanawagan kahapon ang Malacañang sa mga kritiko nito na mainam na bisitahin na lang ang Official Gazette na www.gov.ph sa halip na batikusin ang gobyerno sa usapin ng rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ dalawang taon na ang nakalilipas. Ayon...
OFW na mawawalan ng trabaho sa ‘tanim bala’, aayudahan ng DoLE
Ang mga overseas Filipino worker (OFW), na mawawalan ng trabaho matapos maging biktima umano ng “tanim bala” scam sa mga paliparan, ay tutulungan ng gobyerno na muling makahanap ng mapapasukan, ayon sa Department of Labor and Employment (DoLE). Ito ang tiniyak ni Labor...
Panuntunan sa raliyista vs APEC Summit, inilatag ng PNP
Habang naghahanda ang mga militante at iba pang grupo para sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Summit, nag-isyu ang mga awtoridad ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng mga pagtitipon at rally sa mga pampublikong lugar, sa mahalagang pulong na gagawin sa Pilipinas sa...
Negatibong resulta sa DNA ni Poe, wa' epek sa Pinoy
Inihayag ng isang political analyst na ang negatibong resulta sa DNA test kay Senator Grace Poe-Llamanzares ay walang magiging epekto sa kandidatura nito sa pagkapangulo, dahil ang pagkuwestiyon sa citizenship ng senadora ay itinuturing ng mga Pilipino na isa lang black...
Grupo ni Bataoil, nag-inspeksiyon sa NAIA
Nag-inspeksiyon kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang mga dating opisyal ng militar na ngayon at pawang kongresista na upang personal na makita ang operasyon ng paliparan kaugnay ng kontrobersiya sa umano’y extortion scam na “tanim bala”. Sa isang...
Sweden, muling nakakita ng kahirapan
STOCKHOLM (AP) — Ang evacuation ng napakaruming Roma camp ngayong linggo ang nagpuwersa sa Sweden na harapin ang nakababahalang bagong katotohanan: Sa unang pagkakataon sa loob ng maraming henerasyon, nasaksihan ng mayamang nasyon ang mga taong naninirahan sa matinding...
China smog, 50 beses na mas mapanganib
BEIJING (AFP) – Malaking bahagi ng China ang kinukumutan ng mapanganib na ulap-usok noong Lunes matapos umakyat ang antas ng pinakamapanganib na particulates ng halos 50 beses kaysa maximum ng World Health Organization. Ang mga antas ng PM2.5, ang maliliit na butil sa...
Papa, ikinalulungkot ang Vatican leaks
VATICAN (AFP) — Nangako si Pope Francis noong Linggo na ipagpapatuloy ang mga reporma sa loob ng Simbahan, habang minaliit ang “deplorable” leaks sa hindi nakontrol na paggasta ng Vatican. “I want to assure you that this sad fact will not prevent me from the...
Climate change: 100 milyon pa maghihirap sa 2030
BARCELONA (Thomson Reuters Foundation)—Kapag walang mga tamang polisiya upang mapanatiling ligtas ang mga mahihirap sa matinding klima at tumataas na karagatan, maaaring itulak ng climate change sa kahirapan ang mahigit 100 milyon pang tao pagsapit ng 2030, sinabi ng World...
Magulang na tatanggi, magkukulang sa child support, makukulong
Mananagot sa batas ang mga magulang na tumanggi o mabigong suportahan ang kanilang mga legal na anak. Ito ang nilalaman ng inihaing House Bill 6079 ni Rep. Rosenda Ann Ocampo (6th District, Manila) na naglalayong parusahan ang pagtangi o kabiguan ng mga magulang na bigyan ng...