May 24, 2026

Home SHOWBIZ

Kyle Echarri, inispluk real score nila ni Kai Montinola

Kyle Echarri, inispluk real score nila ni Kai Montinola
Photo Courtesy: Kyle Echarri (FB), Kai Montinola (IG)

Isiniwalat ni Kapamilya actor Kyle Echarri ang real score sa pagitan nila ng dating “Roja” co-star niyang si Kai Montinola.

Sa latest episode ng vlog ni Diamond Star Maricel Soriano noong Sabado, Mayo 23, nahagip sa usapan ang umano’y nabalitaan niya tungkol kina Kai at Kyle.

“Hanep ‘yong nabalitaan, Nay, ha,” natatawang sabi ni Kyle. “De, si Kai kasama ko siya no’ng MMK. Ta’s nagkasama rin kami sa “Roja,” ‘yong teleserye po namin ni Donny [Pangilinan].”

Dagdag pa niya, “Naging close din po talaga kami [ni Kai]. One of my closest friends in the industry. Bago lang din po siya, pero hanga ako sa pag-iisip niya, kung paano niya dinadala ang sarili niya.”

Pero tila duda pa rin si Maricel na magkaibigan lang talaga ang dalawa.

Musika at Kanta

Pinoy dancer JM Yrreverre, isa sa choreographers sa comeback performance ng isang K-Pop girl group

Kaya paniniyak niya, “Sure ka na friends lang kayo?”

“Yes, Nay. Promise,” sagot ni Kyle.

Matatandaang si Kai ay finalist noong 2024 sa reality TV series na “Pinoy Big Brother: Gen 11” kung saan nakuha niya ang ikaapat na puwesto samantala produkto naman si Kyle ng season 2 ng “The Voice Kids Philippines”  noong 2015.