Balita Online
300 bahay, nasunog sa Taguig City
Nawalan ng tirahan ang halos 500 pamilya matapos matupok ng apoy ang 300 barung-barong sa Taguig City, nitong Biyernes ng gabi. Ayon sa ulat ng Taguig Fire Department, dakong 11:00 ng gabi nang nagsimula ang sunog sa loob ng bahay ng isang Larry Mendoza sa Sitio ATO Side,...
105 kilo ng marijuana, nasamsam sa La Union
Aabot sa 105 kilo ng marijuana ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at lokal na pulisya sa La Union, iniulat kahapon ng PDEA. Base sa report ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., kabilang sa nakumpiskang kontrabando ang 103 piraso...
Ferry ship vs. bangka: 20 pasahero, nasagip
Mahigit 20 pasahero ang nasagip matapos sagasaan ng ferry ship ng 2GO Travel ang isang bangkang pangisda sa karagatan ng Romblon, kahapon ng madaling araw. Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasagip ang mahigit 20 pasahero ng lumubog na bangkang de-motor maliban...
Tsinoy na pusher, tiklo sa drug bust
Isang Filipino-Chinese, na umano’y supplier ng shabu sa Metro Manila at Tacloban City, ang naaresto sa ikinasang buy bust operation sa Cubao, Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi. Kinilala ni Supt. Jay Agcaoili, hepe ng District Special Operations Unit ng Quezon City...
Libreng sakay sa 'PINK jeepneys' ngayong V-Day
Sa paggunita sa Araw ng mga Puso ngayong Linggo, nag-alok ng libreng sakay ang mga “pink jeepney” na bumibiyahe sa Novaliches, Quezon City para sa kababaihan, senior citizen, menor de edad at may kapansanan, lalo na pagsapit ng “rush hour.” Ang PINK campaign o Para...
Mock election ng Comelec, tagumpay
Matagumpay na nairaos ng Commission on Elections (Comelec) ang mock election sa ilang piling paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon. Ito, ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ay bilang bahagi ng paghahanda para sa national and local polls sa Mayo 9. Maaga pa...
Duterte to Roxas: 'Nabinyagan' ka na ba?
Handa ang presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na isapubliko ang kanyang medical record base sa hamon ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas, subalit sa isang kondisyon. “Dapat ipakita muna ni Roxas na tuli na siya,” pahayag ni Duterte na...
Hulascope - Febrary 13, 2016
ARIES [Mar 21 - Apr 19] Kailangan mo ng dialogue. Pagsamahin ang energy at entrepreneurism at sangkapan pa ng respeto at tamang atensiyon sa mga nakakasalamuha. TAURUS [Apr 20 - May 20] Magiging productive ang araw na ito sa dami ng maa-accomplish mo. Ingat sa detalye....
LABANAN ANG TEMPTASYON
MAY isang pari na ilegal na ipinarada ang kanyang sasakyan. Nag-iwan siya ng note sa salamin ng kanyang sasakyan na nagsasabing: “Ako ay isang pari. Wala akong makitang espasyo para maparadahan. ‘Wag n’yo akong tiketan. ‘Forgive my trespasses.’” Nang balikan...
HINDI NA KAILANGAN NG DNA TEST
SA kanyang pangangampanya, pinasok kamakailan ni Sen. Grace Poe ang Ilocandia na balwarte ni Sen. Bongbong Marcos. Pagdating niya sa Ilocos Norte, sinalubong siya ng gobernador nito na si Imee Marcos, nakatatandang kapatid ni Bongbong. Sa pag-iikot niya sa buong lalawigan,...