Tinabla ni private prosecutor Atty. Amando Virgil Ligutan ang naging direktang pagpuna sa kaniya ni defense lead counsel Atty. Sheila Sison kaugnay sa pagpo-post niya sa social media habang umuusad raw ang Senate impeachment trial.
“I find it troubling that a private prosecutor would do this in the middle of a courtroom hearing. Because as far as I am concerned, the impeachment court is also a court of decorum. And the Rules of Impeachment, under Rule 18, actually prohibits participants, especially lawyers, from commenting about the merits of the case,” tirada ni Sison noong Miyerkules, Agosto 12, 2026.
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Sison, binanatan pagpo-post ni Atty. Ligutan sa gitna ng impeachment trial!
Kaugnay ito sa naging pagtatalo nina private prosecutor Atty. Lorna Kapunan at Atty. Kristine Ferrer, mula sa defense panel, tungkol sa kung maaaring “yes” or “no” lang daw ang isagot ng testigo sa cross-examination, at usapin sa misleading questions.
KAUGNAY NA BALITA: ‘I don’t think I need to lecture you that!' Kapunan, Ferrer nagkagirian dahil sa 'misleading question'
Sa naging pahayag naman ni Ligutan sa panayam sa kaniya ng media noon ding Miyerkules, idiniin niyang alam daw ng lahat ng nag-aaral ng abogasya at mga abogado na hindi talaga puwede sa Korte ang misleading questions.
“‘Yong four corners ng post ko, it is a statement na alam ng lahat ng law students at saka lahat ng abogado. Hindi po pupuwede ‘yong misleading questions kahit saan, kahit kailan,” pagsisimula niya.
Dagdag pa niya, “Pagbalik-baliktarin man ‘yong isang hukuman, hindi po pupuwede ‘yong misleading questions.”
Ani Ligutan, nasa defense panel na raw ang desisyon kung ituturing nilang para sa kanila ang kaniyang post dahil wala naman daw siyang binanggit na pangalan at tinukoy na kaso.
“Now, kung ‘yong depensa po, magrereklamo. With all due respect, kung babasahin doon I am asking you, did I mention a name? Did I mention what case? Zero. Nothing. Nada,” aniya.
“So ‘yong reaction, if they felt alluded to, sa kanila na po ‘yon,” pagtatapos pa niya.
Samantala, matatandaan namang nilinaw rin ni Sison sa pagpuna niya kay Ligutan noong Miyerkules na hindi raw tumutungkol sa misleading question ang sinabing “allowed” ni Atty. Kristine Ferrer, bagkus sa pagsagot umano ng testigo ng “yes” o “no” sa mga katanungan.
KAUGNAY NA BALITA: 'Alangang bugbugin ko!' Kapunan, pumrenong 'figurative lang' spanking kay Ferrer
KAUGNAY NA BALITA: Atty. Kapunan sanay raw sa disrespect, binuweltang rumespeto si Atty. Ferrer!