Nagbigay ng pananaw ang Kapuso comedienne-actress na si Pokwang at kapwa aktres na si Meryll Soriano sa napabalitang "Duterte Diehard Supporter" o DDS ang Kapamilya star na si Joshua Garcia, nang mag-guest sila sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong Hulyo 21.
Matatandaang naging usap-usapan sa social media si Joshua matapos mapansin ng mga netizen na nag-repost siya ng TikTok video na gawa ng isang tagasuporta ni Vice President Sara Duterte, na nagpakita naman ng pagsuporta sa defense panel ng Pangalawang Pangulo.
Maki-Balita: Joshua Garcia, iniintrigang 'DDS' dahil sa reposted video
Matapos bakbakan online, napabalita naman ang umano'y pag-unfollow ni Joshua sa Instagram account ni VP Sara, gayundin ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Maki-Balita: Nabuking na DDS: Joshua Garcia, bigla raw inunfollow sina VP Sara, Sen. Alan
Tila nagpakita naman ng pagsuporta kay Joshua si Sen. Robin Padilla na isa sa mga masugid na tagasuporta ng mga Duterte, matapos niyang i-share ang isang clip mula sa pelikula nilang "Unexpectedly Yours" noong 2017.
Maki-Balita: Unexpectedly yours! Sen. Robin flinex si Joshua Garcia, pang-asar sa Kakampinks?
Nagpasalamat din sa kaniya si dating presidential spokesperson Harry Roque, na sa kabila raw na puwede siyang ma-cancel dahil sa kaniyang pagsuporta kay VP Sara, nanindigan pa rin daw siya sa kaniyang prinsipyo.
Maki-Balita: Kahit ma-cancel: Harry Roque, nagpasalamat kay Joshua Garcia sa pagiging DDS!
Kaya naman, natanong ni Boy Abunda sina Pokwang at Meryll kung ano ang masasabi nila tungkol sa backlash na inabot ni Joshua, dahil sa tila pagpapakita ng pagsuporta kay VP Sara.
"That’s his platform and kung doon siya naniniwala, kaya nga tayo merong freedom of speech. We are free to express our own opinions and voices sa sarili nating platform. It’s just so happens na meron din opinyon ang mamamayan, ang audiences natin," pahayag ni Meryll.
"Nagkataon lang kasi na artista si Joshua pero kapag ordinaryong tao ba yan, papansinin mo ba? Nagkataon lang na artista siya. Karapatan niya yun, hayaan natin siya," sey naman ni Pokie, na isang Kakampink.
“Marami akong kaibigan na magkaiba kami ng mga sinusuportahan. Noong isang araw kasama ko, nag-dinner kami. Wala kaming sumbatan," paliwanag niya.
Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Joshua tungkol dito.