Naghimutok si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition Big Winner Mika Salamanca sa sumambulat na bill ng kuryente sa kaniyang tinutuluyang condo.
Sa latest Facebook post ni Mika kamakailan, mapapanood ang video clip mula sa kaniyang vlog tungkol sa sariling bahay na pinagawa niya.
Habang nasa loob ng sasakyan, ni-reveal ni Mika ang bill ng kaniyang kuryente na umabot sa mahigit ₱39,000.
“Nagmahal 'yong kuryente ko lalo. Grabe naman 'yan. Take note, guys. Lagi akong nasa trabaho. Umuuwi ako gabi na. Minsan, madaling-araw na,” saad ni Mika.
Dagdag pa niya, “Ilan 'yong kwarto sa condo? Tatlo. Pero kasi, hindi nag-e-aircon lagi 'yong mga tao sa bahay. Tapos isa lang ang TV ko. Isang electric fan, 'Yong microwave minsa lang gamitin.”
Matatandaang hindi si Mika ang unang celebrity na umangal sa mataas na singil ng Meralco sa kuryente.
Kamakailan lang ay isinapubliko nina Rosemarie Pamulaklakin, Jayson Gainza, at Barbie Imperial ang kani-kanilang sentimyento hinggil dito.
Maki-Balita: 'Kainamang Meralco yan!' Rosmar todo-flex sa electric bills, umabot sa ₱300k
Maki-Balita: Jayson Gainza sa higit ₱17k na Meralco bill: 'Paki-explain papano n'yo ito na-compute ng ganito kalaki!'
Maki-Balita: ‘Wild!’ Barbie Imperial, nawindang sa kaniyang Meralco bill
Samantala, nanawagan naman si Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno sa Kongreso para aksyunan ang isinusulong niyang House Resolution No. 995 upang talakayin ang usapin hinggil sa napakataas na singil ng kuryente.
Maki-Balita: Diokno, tinumbok usapin sa mataas na singil sa kuryente ng Meralco!