July 23, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jayson Gainza sa higit ₱17k na Meralco bill: 'Paki-explain papano n'yo ito na-compute ng ganito kalaki!'

Jayson Gainza sa higit ₱17k na Meralco bill: 'Paki-explain papano n'yo ito na-compute ng ganito kalaki!'
Photo courtesy: Jayson Gainza (IG)

Hindi napigilan ng comedian at "TikToClock" host na si Jayson Gainza na ilabas ang kaniyang pagkadismaya matapos matanggap ang napakalaking bayarin sa kuryente ng kanilang bahay.

Sa isang social media post, pabirong kinuwestiyon ni Jayson ang naging computation ng kanilang electric bill at hiniling sa Manila Electric Company (Meralco) na ipaliwanag kung paano ito umabot sa ganoong halaga.

“Dear @meralcoph, kami po ay walang laundry shop, wala din po kaming talyer at lalong-lalo na wala kaming apat na swimming pool. Paki-explain paano n'yo ito na-compute ng ganito kalaki,” ani Jayson.

Hindi rin napigilan ng TV personality na magbitiw ng biro tungkol sa posibilidad na magpakabit sila ng solar power system sa kanilang bahay.

“Baka naman pag nag-solar kami maging P12k na lang kuryente namin. Aba aba, baka lalo kayong yumaman!” dagdag pa niya.

Tsika at Intriga

Freedom of expression, karapatan niya! Pokwang, Meryll dinepensahan si Joshua

Kalakip ng social media post ang larawan ng electric bill, kung saan nakasaad na umabot sa ₱17,845.79 ang kanilang kailangang bayaran para sa Hunyo.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naging usapin sa social media ang mataas na bayarin sa kuryente. Sa mga nakaraang taon, ilang celebrities at ordinaryong consumers na rin ang nagbahagi ng kanilang pagkabigla sa natatanggap na electric bill, lalo na tuwing panahon ng matinding init kung kailan tumataas ang paggamit ng air conditioner at iba pang appliances.

Ilan na nga sa kanila ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial at concert producer-talent manager na si Cacai Mitra, na kapatid ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.

Maki-Balita: Higit ₱94k ba naman! Meralco, nagsalita sa pagpalag ni Cacai Mitra sa bill

Maki-Balita: ‘Wild!’ Barbie Imperial, nawindang sa kaniyang Meralco bill

Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang Meralco kaugnay sa naging reklamo ni Gainza.