July 21, 2026

Home BALITA National

VP Sara, pinuna PBBM admin sa pagkamatay ng mga estudyante sa bansa!

VP Sara, pinuna PBBM admin sa pagkamatay ng mga estudyante sa bansa!
Photo courtesy: RMN Tacloban / Contributed Photo, File Photo

Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte kaugnay sa mga naganap na insidente ng pagkasawi ng mga mag-aaral sa Pilipinas. 

Matatandaang binulaga ng pamamaril ang ng dalawang menor de edad at armadong lalaki ang San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte noong Lunes, Hunyo 22, 2026, kung saan tatlong mga mag-aaral ang naitalang nasawi sa shooting. 

KAUGNAY NA BALITA: Menor de edad, namaril sa eskwelahan sa Tacloban City; 3 estudyante, todas!

Bago pa nito, matatandaan ding inanunsyo mismo ng Ateneo de Manila University ang insidente ng pagkalunod ng dalawa nilang student-athlete na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isinagawa nilang team building sa Dipaculao, Aurora, noong Hunyo 8, 2026. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Is it just a team building?' Netizens, umalma sa pagkalunod nina Baterbonia at Adili!

National

VP Sara, makakatakbong Pangulo hangga't 'di guilty—Comelec

Sa inilabas naman na pahayag ni VP Sara sa publiko nitong Martes, Hunyo 23, nakiramay siya sa mga naging biktima at nasugatan sa insidente ng pamamaril sa pampublikong paaralan sa Tacloban. 

Ani VP Sara, wala raw magulang ang umaasang makakaranas ng karahasan ang kanilang mga anak sa pagpasok ng mga ito sa eskwelahan. 

Aniya, hindi raw ito ang unang beses na may nangyaring hindi maganda sa mga estudyante sa bansa dahil nauna na rin daw maganap ang mapait na sinapit nina Baterbonia at Adili sa kanilang basketball training program sa Aurora. 

“[T]he government must confront the serious gaps in our ability to protect the youth,” diin niya. 

Buwelta ni VP Sara, dapat daw na maprotektahan ang mga mag-aaral sa anomang uri ng karahasang posible nilang maranasan sa loob ng paaralan, social media, o sa mga indibidwal na mang-aabuso sa bulnerabilidad ng mga bata. 

“More importantly, they must be protected from abuse, neglect, and violence within the very institutions entrusted with their welfare,” ‘ika pa niya. 

Saad ni VP Sara, ipinakikita raw ng mga nagdaang trahedya na ito ang kabiguan ng mga gobyernong tukuyin ang mga problema at banta sa buhay ng kabataan bago pa man sila masawi. 

“We cannot continue reacting only after another child is hurt or killed,” anang Bise Presidente. 

Dagdag pa niya, “Education is not only about academics. What our children learn, who influences them, and the values they carry with them outside the classroom are deeply intertwined with national security and stability.” 

Pagpapatuloy ni VP Sara, maging “wake-up call” o panggising na raw sana sa administrasyon ang naganap na insidente kung saan may mga nasawi para gumawa ng aksyon at gawing ligtas ang mga paaralan. 

“The continuing loss of young lives should serve as a wake-up call to this administration. The government must act now to make our schools safer and to better protect our learners,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga suspek sa pamamaril sa eskwelahan sa Tacloban City, hindi BSP member!

KAUGNAY NA BALITA: 'As a lawyer!' VP Sara, pabor hanapin hustisya para kina Rene at Adili