July 26, 2026

Home BALITA National

VP Sara, umapelang isama sa pag-uusap ng Senado sina Sen. Bato at Sen. Jinggoy!

VP Sara, umapelang isama sa pag-uusap ng Senado sina Sen. Bato at Sen. Jinggoy!
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Humirit si Vice President Sara Duterte na dapat daw isama sa mga pag-uusap ng Senado maging ang mga senador na nakulong o nagtatago para talakayin ang mahahalagang usapin sa bansa. 

Matatandaang madaling-araw noong Mayo 14, 2026, nang huling mamamataan ng publiko si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa pasakay sa isang Fortuner na puti na pagmamay-ari ni Sen. Robin Padilla. 

Sa kabila ito ng inisyung warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) noong Mayo 11 laban kay Dela Rosa bilang co-perpetrator umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap ng madugong war on drugs noong nakaraang administrasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Bato, 2:30 ng madaling-araw nakaeskapo sa Senado!—PNP

Samantala, matatandaang kusang sumuko naman si Estrada sa mga awtoridad noong Hunyo 1, 2026, dahil sa inisyung warrant of arrest ng Sandiganbayan laban sa kaniya dahil sa pagkakasangkot umano niya sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan. 

National

Sen Alan, tinalakang 'ang ingay, dakdak nang dakdak' sa FB live niya

KAUGNAY NA BALITA: ‘I stand my ground!’ Sen. Jinggoy, niligawan daw ng minority bloc kapalit ng pag-abswelto sa kaso

Sa naging pahayag naman ni VP Sara sa panayam sa kaniya ng media nitong Miyerkules, Hunyo 10, sinabi niyang wala raw siyang maibibigay na mensahe para sa mga partikular na senador ng Pilipinas. 

“Well, wala akong indibidwal na mensahe para sa ating mga miyembro ng Senado,” pagsisimula niya. 

Diin ni VP Sara, isa lang daw na institusyon at hindi dalawang grupo ang Senado. 

“Sila ay hindi dalawang grupo kundi isang institusyon,” ‘ika niya. 

Matatandaang kasing tila nagsimulang gumulo sa mataas na kapulungan ng Kongreso simula noong maganap ang kudeta noong Mayo 11 at mapalitan ni Sen. Alan Peter Cayetano si dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III. 

Hunyo 1 hanggang Hunyo 2, hindi dumalo ang lahat ng miyembro ng majority bloc sa sesyon ng Senado dahil sa pagkakaaresto kay Estrada, dahilan para magulat ang publiko nang biglang magpakita si Sen. Chiz Escudero noong Hunyo 3 at makakuha ng quorum ang mga senador sa kabuuang 12 na bilang. 

Itinalaga bilang Senate President Pro Tempore at acting Senate President si Sen. Win Gatchalian ngunit idiniin ng ilan sa mga miyembro ng “Cayetano bloc” na ilegal daw ang ikinasang quorum ng mga senador. 

KAUGNAY NA BALITA: Kanino susundin? Sen. Cayetano at Gatchalian, nagpuksaan ng memo para sa Senate employees

Pagpapatuloy ni VP Sara, dapat daw na isama sa mga usapan sa Senado ang mga nagtatago at nakulong na mga miyembro nito upang tukuyin ang mga prayoridad ng kanilang institusyon. 

“Dapat pag-usapan noong 24, kasama ‘yong mga nakulong, kasama ‘yong nagtatago, kung ano ba dapat ang prayoridad ng kanilang institusyon,” buwelta niya. 

“At ano ‘yong kanilang trabaho na naaayon sa ating Saligang Batas,” pagtatapos pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Batikang journalist Raissa Robles, binira MIA ng Duterte siblings sa lindol!