March 15, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Karen Davila kay Rep. Suntay: 'Wala kaming pakialam sa init ng kalooban ninyo!'

Karen Davila kay Rep. Suntay: 'Wala kaming pakialam sa init ng kalooban ninyo!'
Photo courtesy: MB FILE PHOTO, HOR (YT)

Tila hindi naiwasang tumalak at magbigay ng kaniyang reaksyon ang beteranang ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila tungkol sa naging pahayag ni 4th District Quezon City Rep. Bong Suntay sa aktres at TV host na si Anne Curtis-Smith. 

KAUGNAY NA BALITA: 'May desire sa loob ko na nag-init talaga!' Pahayag ng solon tungkol kay Anne Curtis sinita, pinatanggal sa house records

Ayon sa naging mga komento ni Karen sa pagtatapos ng kanilang programa sa TV Patrol noong Marso 3, 2026, nagawa niyang idiin ang kahalagahan para sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan o Women’s Month. 

Ani Karen, marami raw ang walang kamalayan sa paghahayag ng “misogynistic” o nakakainsultong komento tungkol sa kababaihan kagaya ng ginawa ni Suntay. 

“Gusto ko lang sabihin po na ang Marso po ay Women’s Month. Pero ‘yong nangyari po, ‘yong sinabi ng isang representante, si congressman Suntay,” pagsisimula niya. 

Tsika at Intriga

Gigi De Lana, binunyag sakit kaya siya nahimatay!

Dagdag niya, “Marami na ang hindi conscious at aware sa misogynistic comments sa mga kababaihan. [‘Yong] nakakainsulto sa babae, walang respeto.” 

Buwelta ni Karen, dapat daw na hindi na tanggapin ng publiko bilang biro ang ganoong klase ng mga pahayag o komento tungkol sa kababaihan dahil hindi raw kailanman naging “okay” o ayos ang ganoong kultura. 

“Dapat huwag na nating tanggapin ‘yong minsang biro-biro lang. Ang tagal na natin tinanggap ‘yon, mali po ‘yon. ‘Yong kulturang ganoon, hindi okay ‘yon,” aniya. 

Pagpapatuloy ng betaranang journalist, binabayaran daw ng taumbayan ang mga katulad na mambabatas ni Suntay at hindi raw dapat ito magpa-cute lang sa publiko. 

“At saka tandaan po ng mga kongresista… binabayaran kayo ng taumbayan. Hindi kayo nandyan para magpa-cute,” saad niya. 

‘Ika pa ni Karen, wala raw siyang pakialam sa init na nararamdaman sa kalooban ng mga katulad ni Suntay at kailangan daw nitong gampanang mabuti ang kanilang tungkulin. 

“Wala kaming pakialam sa init ng kalooban ninyo. Do your job well,” pagtatapos niya. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Please keep your sick thoughts to yourself!' Karen Davila, binanatan si Rep. Bong Suntay dahil kay Anne Curtis

KAUGNAY NA BALITA: 'There’s nothing sexual sa sinabi ko!' Rep. Suntay, ipinaliwanag naging pahayag tungkol kay Anne Curtis

KAUGNAY BALITA: Jasmine Curtis sa pahayag Rep. Suntay: 'It's not about one female celebrity. It's about all women!'

Mc Vincent Mirabuna/Balita