Nagbigay ng update si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa gitna ng kaniyang 64th birthday celebration.
Sa latest Facebook post ni Sen. Bato nitong Miyerkules, Enero 21, sinabi niyang “alive and well” daw siya ngayong ipinagdiriwang niya ang kaniyang kaarawan.
“Here I am, alive and well, gratefully celebrating 64 years of this God-given life,” anang senador.
Sa ngayon, naghihintay umano siyang mangibabaw ang hustisya.
Aniya, “I am waiting. Waiting for a true seeking for justice to emerge and take over. Not this threat of fake and foreign meddling, from those who do not and can never know us or be us.”
“If indeed there are cases against me, then I wait for a time and a certainty that I shall be able to face these cases as a Filipino, before Filipinos,” dugtong pa ni Sen. Bato.
Ayon sa kaniya, tila binalewala na raw niya ang sakripisyo at pakikibaka ng mga bayani at sundalong Pilipino para sa kasarinlan ng bayan kung isusuko niya ang sarili sa korte ng mga banyaga.
Samantala, nagpaabot naman siya ng pasasalamat sa lahat ng kaniyang mga tagasuporta.
“I am even braver, knowing you are with me in this fight,” saad ni Sen. Bato.
Pahabol pa niya, “I make this wish, if I may be permitted: that the Philippines will once more be restored to true nationhood. One that demands that justice be served right here, on our shores, in our courts.”
Matatandaang may naghihintay na arrest warrant kay Sen. Bato mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot niya sa giyera kontra droga sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan, nakabantay na umano ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa galaw ng senador ayon sa kalihim nitong si Jonvic Remulla.
Kaugnay na Balita: Lokasyon, galaw ni Sen. Bato, minomonitor ng DILG