January 21, 2026

Home SHOWBIZ

Boobay, nahimatay na naman!

Boobay, nahimatay na naman!
Photo Courtesy: Boobay (IG), via PEP

Usap-usapan ang tila pagkawala ng ulirat ng komedyanteng si Boobay sa kasagsagan ng pagtatanghal niya sa Bansud, Oriental Mindoro. 

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Miyerkules, Enero 21, kakantahin na sana ni Boobay ang ikalawang awit sa kaniyang solo performance ngunit biglang siyang napahinto hanggang sa tuluyang bumagsak.

Agad namang inayudahan ng medic si Boobay para itayo. Dinala siya sa backstage at sinalo naman ng kapuwa niya komedyanteng si Super Tekla ang naiwan niyang performance. 

"Magiging okay 'yan. Part po 'yan ng ano ni Boobay, ng kanyang sakit," saad ni Super Tekla.

Tsika at Intriga

'Kanino ako kakampi?' Willie Revillame, parang nanalo na rin kahit natalo sa eleksyon

Dagdag pa niya, "Tuluy-tuloy tayo, kaya nandito po ako to [substitute] and everything. Araw-araw nandiyan po ako para sa kaniya." 

Makalipas ang ilang minuto, nakabalik din naman si Boobay sa stage. Nakuha pa niyang magbiro sa kabila ng nangyari.

Aniya, "Ito kasi [si Super Tekla], paano binanggit-banggit mo kasi si Lord kanina, ayan tuloy dumiretso ako.”

“Bakla ka, dapat hindi mo binabanggit ‘yon, ayan tuloy nangyari. Kasalanan mo ‘yon," dugtong pa ni Boobay.

Buwelta naman ni Super Tekla, "Nasisi pa ako. Hoy, ilabas mo si Boobay!"

Matatandaang hindi ito ang unang beses na tinakasan ng ulirat si Booby sa gitna ng trabaho. Noong Hunyo 2025, kinaawaan siya ng mga netizen matapos himatayin habang rumaraket sa isang out of town event.

Maki-Balita: Boobay kinaawaan, hinimatay habang rumaraket

Samantala, noon namang Abril 2023 ay bigla siyang naging “unresponsive” nang sumalang siya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

MAKI-BALITA: Boobay, naging unresponsive sa interview sa ‘Fast Talk’

Ayon sa komedyante, epekto umano ito ng pagkaka-stroke niya noong 2016.

Maki-Balita: Mga nararanasang 'hang' ni Boobay, epekto ng kaniyang pagkaka-stroke noong 2016