Deretsahang sinagot ni Sen. Robin Padilla ang isang post ng isang vlogger at Duterte supporter na hindi na raw siya tatakbo sa darating na 2028 national election.
Ayon sa naging post ng isang uploader na nagngangalang Sir Jack Argota sa kaniyang Facebook account noong Biyernes, Disyembre 12, makikita ang mga larawan ng mga kandidatong nais niyang suportahan sa susunod na halalan.
“Alam ko masyado pang maaga, pero eto ang line-up na gusto kong maging mga Senador na dapat at kailangang makasama ni Presidente Sara Duterte sa 2028 National Election,” mababasa sa caption ng naturang post.
Photo courtesy: Sir Jack Argota (FB)
Makikita sa listahan sina:
Ilan sa mga indibidwal na makikita sa naturang post ay sina Padilla, Sen. Chiz Escudero, Sen. Alan Peter Cayetano, at iba pa.
Samantala, nagawa ring magkomento ni Padilla sa post ng nasabing uploader at nagpasalamat ito dito ngunit humiling siya na tanggalin na ang kaniyang larawan dahil hindi na raw siya tatakbo sa 2028.
“Maraming salamat po. Pero wag niyo na po ako isama sa line up at hindi na po ako matakbo sa 2028. Mabuhay po,” saad ng senador.
Photo courtesy: Sir Jack Argota (FB)
Dahil dito, tila hindi kumbinsido ang ilang netizens sa naturang pahayag ni Padilla at hinikayat pa nila itong magpatuloy sa politika.
Narito ang ilang komento ng mga tao sa nasabing pahayag ng senador:
“Idol Sen. Baka pwede kang mag Bise-Presidente kay Presidente Sara Duterte? Kailangan ka po ng taong-bayan.. Pls.”
“Laban lang sen., kailangan ka ng taong mahihirap na tulad ko. nag- aasam na umayos ang gobyerno. Kailangan ka ng partido at ni VP Sara.”
“Takbo ka ulit sen,robin isa ka na may malasakit sa kapwa pilipino po.”
“Wag nmn po sna senator/brother kailangan ka po nmin ng mga tga mindanao! maawa po kau sa min! tga zamboanga city po todo suporta sa inyo!”
“Nakakalungkot na balita bukod tangi ka po kasi na ramdam namin ang pagiging makabayan mo gaya ng kanta na sinulat ni gat andress bonifacio na pag ibig sa tinubuang lupa”
“Tama po idol. Sen Robin kasi Vice president na takbohan mo yakang2 Idol Sen.”
MAKI-BALITA: 'Hindi ako kumakanta ng Lupang Hinirang at nanunumpa sa watawat para lang magpasakop sa dayuhan!’—Padilla
MAKI-BALITA: 'Pambihira ang mga troll!' Padilla rumesbak para kay Guanzon
Mc Vincent Mirabuna/Balita