December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Patama kay Vice Ganda? Ogie, dinepensahan 'Bading amp*ta' post ni Heart

Patama kay Vice Ganda? Ogie, dinepensahan 'Bading amp*ta' post ni Heart
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, MB FILE PHOTO

Dinepensahan ng showbiz insider na si Ogie Diaz ang Kapuso star na si Heart Evangelista kaugnay sa kamakailan nitong Instagram story na may mababasang “Bakla amp*ta.”

Ayon sa inilabas na episode ni Ogie sa kaniyang Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube noong Biyernes, Nobyembre 21, pinasadahan nila ang kamakailang tila pinanggigilan ng netizens mula sa story ni Heart sa IG.

Photo courtesy: Ogie Diaz Showbiz Update (YT)

Photo courtesy: Ogie Diaz Showbiz Update (YT)

Ani Ogie, bagama’t hindi malinaw na totoo umanong may pinatutungkulan si Heart at wala siyang literal na pangalang nabanggit, tila uminit ang tumbong ng netizens at agad nilang dinipensadahan ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

“Sa comment section naman, parang ang pinatutungkulan doon ni Heart ay si Vice Ganda kaya ayan sunod-sunod ‘yong mga comment [ng netizens],” pagkukuwento ni Ogie.

Narito ang ilang mga komento ng netizens na isa-isang binasa ni Ogie patungkol sa naturang story ni Heart:

“Kung para yan kay vice,ewan ko talaga sayo puso. Concentrate ka sa asawa mong may issue.”

“At least alam na badin c vice kesa yung dika bading pero mukhang kng bading.pikon talaga si babaita.”

“Atleast yung pinatatamaan nya may ambag sa lipunan haha sya may nakaw sa lipunan.”

“Atleast nagbsbayad ng tamang buwis, kahit Bading may ambag, ikaw ambag mo yabang sa mga bags mo.”

“Nagbabayad ng Tamang buwis doon palang talo na si Heart.”

“Atleast tumutulong si vice halos araw araw nagbibigay sa showtime.”

Pagpapatuloy ni Ogie, iyon daw ang mahirap kapag nasimulan ng isang netizen na maghinala sa comment section, tiyak na masusundan ito nang masusundan.

“‘Yon ang mahirap sa mga netizens lalo na kung umpisahan ng unang comment, binanggit si Vice, sunod-sunod na ‘yon,” ‘ika niya.

Giit ni Ogie, “hindi naman natin alam kung sino ‘yong tinutukoy ni Heart…Hindi sa pinagtatanggol ko si Heart pero kawawa rin si Heart kung nahuhusgahan siya doon…”

Dagdag pa niya, mahirap daw na mag-assume agad lalo na at hindi pa rin nililinaw ni Heart ang nasabing issue.

“Kahit naman sabihin natin dito na ‘si Vice ‘yon,’ paano kung sabihin ni Heart na ‘hindi si Vice ‘yon, naaliw lang ako sa cup,’ talo na tayo,” payo ni Ogie,

“Hintayin natin si Heart. Kapag sinabi niyang si Vice ‘yon, sasama ako sa inyo,” pagtatapos pa niya.

Samantala, hindi na ulit nag-post pa si Heart kaugnay sa nasabing cup at wala namang inilalabas na pahayag si Meme Vice kaugnay rito.

MAKI-BALITA: Resbak ng PA ni Heart kay Vice Ganda: 'Nag-ambag ka lang, makapagyabang parang ikaw nagpatayo ng buong building!'

MAKI-BALITA: ‘Bulok ‘yong paaralan:’ Vice Ganda, nagbigay ng tulong sa probinsiya ni Heart Evangelista

Mc Vincent Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita