December 12, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

Na-miss mo ba? Sen. Robin Padilla, balik 'Bad Boy'

Na-miss mo ba? Sen. Robin Padilla, balik 'Bad Boy'
Photo courtesy: Robin Padilla/FB

Balik-acting ang action star na si Sen. Robin Padilla para sa pelikulang "Bad Boy 3," batay sa naganap na contract-signing nitong Biyernes, Nobyembre 21.

Sa Facebook post ni Robin, ibinahagi niya ang naganap na pirmahan ng kontrata sa pagitan nila at ni Vic Del Rosario, owner ng Viva.

"Ngayong araw ay pormal na po nating nilagdaan ang kontrata para sa BADBOY 3 kasama ang Viva. Kasabay po nito ang ating press conference na dinaluhan ng ating mga kaibigan mula sa press," saad ng senador.

"Isang malaking karangalan na maipagpatuloy ang kwentong sinimulan natin noon. Mas matapang, mas makatotohanan, at siguradong mas malapit sa puso ng ating mga kababayan," aniya pa.

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Nagpasalamat naman si Padilla sa pamunuan ng Viva dahil sa oportunidad na ito.

"Isang malaking pasasalamat sa Viva sa walang hanggang suporta. Kay Boss Vic na simula pa noong umpisa ay naniwala na sa akin at sa mga ginagampanan kong pelikula. Maraming salamat din Kay Boss Vincent at sa buong Viva family sa tiwala at sa oportunidad. Abangan ninyo po ang Badboy 3!"

Bago pa man maging senador, nakilala muna si Robin bilang "Bad Boy ng Philippine Movies" dahil sa pagganap niya sa mga pelikulang action, na naging public image na rin niya, noong 80s hanggang 90s. Ilan sa mga tumatak na pelikula niya ay "Anak ni Baby Ama," "Bad Boy," "Bad Boy 2," at iba pang action films, na patungkol sa isang bidang street-smart tough guy, laging nakikipag-away, laging may baril, at laging nasa maling landas bago tuluyang magbago.