December 13, 2025

Home FEATURES Trending

#BalitaExclusives: Bangkay ng pating na may diaper sa ulo, natagpuan sa Zamboanga; dive group, may apela

#BalitaExclusives: Bangkay ng pating na may  diaper sa ulo, natagpuan sa Zamboanga; dive group, may apela
Photo courtesy: Harvey Yap (FB)

Patay nang matagpuan ang isang pating sa karagatan ng Sta. Cruz Island, Zamboanga, noong Miyerkules, Nobyembre 19, matapos ma-suffocate sa diaper na nakabalot sa ulo nito. 

Sa post ng isang netizen at scuba driver na si Harvey Yap, binanggit niya na sa 15 taon niyang pag-dive sa isla ng Sta. Cruz, ito na ang pangatlong beses na makakita siya ng juvenile reef shark. 

Sa kasamaang palad, sa pagkakataong ito, palutang-lutang ang pating, at may nakabalot na diaper sa ulo nito. 

“This is the third time I’ve encountered a juvenile reef shark in Sta. Cruz in my 15 years of diving here, and sadly, this one suffocated from a diaper wrapped around its head,” saad ni Yap sa kaniyang post. 

Trending

KILALANIN: Ang pumanaw na PBA Legend na si Jimmy Mariano

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Yap, ibinahagi niya na bilang parte ng Sinag Dive Group sa Zamboanga City, layon nilang protektahan ang karagatan ng Sta. Cruz Island.

Gayunpaman, madalas silang nakakakuha ng mga plastic, lubid na gawa sa nylon, at diaper na lumulutang sa dagat. 

Ipinaliwanag pa niya na mga diaper ang pinakadelikadong kalat sa karagatan dahil bumabalot ito sa coral reefs at marine animals na nagdudulot para ma-suffocate at mamatay ang mga ito, dahil sa pa-aakalang pagkain ito. 

“Most of what we find nowadays are plastic wastes, nylon ropes (likely discarded by bangkas), and now more and more diapers–these diapers are especially dangerous because they wrap around our corals and eventually suffocate and kill them,” paliwanag ni Yap. 

“Marine animals suffer too. Turtles often mistake clear plastics for jellyfish, which they normally eat,” dagdag pa niya. 

Ibinahagi rin niya na sa taong 2025 din, dalawang pagong ang na-rescue ng kanilang grupo, mula sa pagpapalutang-lutang kasama ng mga basura sa dagat. 

Sa kasamaang palad, nasawi rin daw ang mga pagong dahil sa mga nakain na plastic. 

“Just this year, we rescued two turtles floating among the garbage. From what I know, both of them didn’t survive after ingesting plastic,” saad ni Yap. 

Sa 15 taon din niyang pagsisid, ibinahagi ni Yap na bukod sa nasawing juvenile reef shark na nakita niya kamakailan, may dalawang pagkakataon pa na nakakita siya ng pating sa karagatang ng Sta. Cruz. 

“[The] First one was a blacktip also, but already weak, second one was a nurse shark, which was alive,” aniya. 

Binanggit niya na ang pagbisita ng mga pating ay sukatan ng malinis na karagatan. 

“Sharks are a good gauge of how clean our waters are—when they’re healthy and present, it usually means the ecosystem is still functioning,” pagbabahagi ni Yap. 

Sa pangunguna ni Dr. Michael Macrohon, sinisigurado ng Sinag Dive Group na mangolekta ng mga basura na nasa karagatan, para protektahan ang mga nilalang na naninirahan dito. 

“We can only do so much as a group since the problem of pollution is now overwhelming our seas. Whenever we dive, we always bring bags with us to collect trash underwater. Small things we do to make sure our reefs stay alive as long as we are doing something to protect it,” ani Yap. 

Ikinaalarma rin niya na sa paglipas ng panahon, mas dumarami ang  basura sa dagat, at kahit na raw tumutulong ang lungsod ng Zamboanga sa pagbibigay-kaalaman nito sa mga turista, pinaniniwalaan niyang nagmumula ang problema sa mga kalapit coastal communities na direktang nagdidiskarga ng kalat sa dagat. 

“The city itself is doing its part to educate tourists. I think [the] problem lies with coastal communities, especially those who discharge their waste directly into the sea,” saad ni Yap. 

Ibinahagi niya na sa isang oras na pagsisid nila, ilang balde ng basura agad ang nakokolekta nila. 

Photo courtesy: Harvey Yap (FB)

Naniniwala si Yap na tamang edukasyon at maayos na pagtatapos ng mga basura ang long term solution sa problemang ito, dahil sa patuloy na pamamayagpag ng problemang ito sa karagatan, maaaring manganib hindi lang ang buhay ng mga nilalang dito, kung hindi ang pagkamatay ng tubig, at posibleng pagkaubos ng suplay natin ng pagkain dahil sa kontaminasyon. 

“I think the best long-term solution is to educate coastal communities about how dangerous garbage is to marine life and to teach proper waste disposal. If this continues—if trash keeps getting dumped into the sea—our reefs will eventually suffocate, and we may end up losing the entire underwater ecosystems,” pagbabahagi ni Yap. 

“People will dispose [their] waste properly if they know how much their garbage can harm our nature. Ultimately it is us who will suffer- our food becomes contaminated with plastic and worst case, we lose marine life altogether because the water will become uninhabitable,” dagdag pa niya. 

Sa kaugnay na ulat, ayon sa ulat ng Climate Crisis 247 nito lamang Nobyembre 2025, nangunguna ang Pilipinas sa paglalabas ng plastic waste sa karagatan. 

Kung saan, umaabot sa 356,371 tonelada ang nailalabas nito taon-taon, na higit ⅓ ng global total. 

Ayon pa sa nasabing ulat, itinuturong dahilan dito ang pagkakaroon ng malaking populasyon sa coastal areas, hindi maayos na pagtatapon ng mga basura, at madalas na pagbabaha dala ng mga bagyo. 

Sean Antonio/BALITA