Binigyang-linaw ni Vice President Sara Duterte na ginamit umano nila ang ilan sa kanilang confidential funds para imbestigahan ang mga korupsyong “nangyayari” sa loob ng ahensya ng Department of Education (DepEd).
Ayon sa pinangunahang media forum ni VP Sara nitong Huwebes, Oktubre 16, 2025, kinumpirma niyang gumawa umano sila noon ng hiwalay na imbestigasyon sa loob ng nasabing ahesya.
“Gumawa kami ng investigation sa loob ng Department of Education,” pagsisimula niya, “isa sa mga pinaggamitan ng confidential funds ay ‘yong korupsyon sa loob ng Department of Education.”
Nilinaw rin ni VP Sara na hindi lang umano tungkol sa iskandalo sa “laptop corruption” ng DepEd ang kanilang inimbestigahan.
“Hindi lang sa laptop, ha. Maraming reports inside the Department of Education. Hindi lang sa Central office, kasama na ‘yong sa mga Regional offices namin,” anang Vice President.
“Isa sa mga inimbestigahan ay ‘yong laptop. Ang ginawa doon is nag-request ng fraud audit sa Commission on Audit (COA),” pahabol pa niya.
Dagdag pa ni VP Sara, kasabay umano iyon nang pagsasagawa nila ng nasabing imbestigasyon sa loob ng ahensya.
“Tapos kami sa loob ng Department of Education, gumawa rin kami ng sarili naming investigation para kung anoman ‘yong maaksyunan namin sa loob ng DepEd [ay] maaksyunan na kaagad namin,” ani VP Sara.
Pinabulaanan din ni VP Sara na hindi umano nangyari ang “laptop corruption” sa DepEd, bagkus sa Department of Budget and Management (DBM).
“Unfortunately, ‘yong procurements ng laptop, hindi siya nangyari sa loob ng Department of Education.”
“Nangyari siya sa DBM [Department of Budget and Management][...] So hindi pumasok lahat ng procurement documents sa DepEd.”
“So ang pinaka nagawa lang namin doon sa loob ng Department of Education is mag-blocklist[...]” pagkukuwento niya.
Inasahan pa umano ni VP Sara noon na may mailalabas ang Commission on Audit (COA) noon na mga dawit na indibidwal sa nasabing korupsyon.
“Inasahan namin na doon sa fraud audit ng Commission of Audit, may lalabas doon na mga personnel involved,” ‘ika pa niya.
Ginawa rin umano nilang batayan ang naging pag-iimbestiga ng Blue Ribbon Committee kaugnay sa nasabing korupsyon upang tukuyin din ‘yong mga nasa ibaba ng malalaking taong iniimbestigahan ng nasabing Komite.
“At doon sa Blue Ribbon Committee investigation [noon][...] ginamit namin ‘yon sa loob ng Department of Education para isa-isahin kung sino ‘yong mga personal involved na under sa mga taong involved doon sa Senate Blue Ribbon investigation,” pagtatapos pa niya.
MAKI-BALITA: ‘He doesn’t command, he doesn't ask!' VP Sara, binanatan kung paano magtrabaho si PBBM
Mc Vincent Mirabuna/Balita