December 13, 2025

Home BALITA

DepEd, pinabulaanang walang face-to-face class mula Oct. 15-Dec. 2025

DepEd, pinabulaanang walang face-to-face class mula Oct. 15-Dec. 2025
Photo Courtesy: via MB

Wala umanong katotohanan ang anunsiyong sinuspinde ng Department of Education (DepEd) ang klase sa buong bansa mula Oktubre 15 hanggang Disyembre 2025 dahil sa sunod-sunod na paglindol.

Sa isang Facebook post ng DepEd Davao Region nitong Linggo, Oktubre 12, pinabulaanan nila ang malisyosong post na nagsasabing ililipat sa online at modular ang klase.

“This is WRONG INFORMATION. This is FAKE NEWS. All significant information will be posted here. Please be aware,” saad ng DepEd.

Matatandaang tinamaan ng magnitude 5.8 na lindol ang Manay, Davao Oriental noong Sabado, Oktubre 11.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon sa tala ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig bandang 6:27 pm ng hapon, at may lalim itong 010 kilometro.

Maki-Balita: Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa Manay, Davao Oriental ngayong Oct. 11