December 13, 2025

Home BALITA

US Ambassador, nakisimpatya sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao Oriental

US Ambassador, nakisimpatya sa mga naapektuhan ng lindol sa Davao Oriental
Photo Courtesy: US Embassy in the Philippines (FB), via AP News

Nagpaabot ng pakikisimpatya si US Ambassador MaryKay L. Carlson sa mga taga-Davao Oriental na tinamaan ng magnitude 7.4 na lindol noong Biyernes, Oktubre 10.

Sa latest X post ni Carlson nitong Sabado, Oktubre 11, sinabi niyang nagpadala ang Amerika ng 137,000 food packs at 500 emergency shelter kits para sa mga naapektuhan ng nasabing sakuna.

Aniya, “My heart goes out to all those affected by the Mindanao earthquake and recent natural disasters.

“The U.S. has provided 137K+ family food packs and 500 emergency shelter kits as we coordinate with 

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

@DSWDserves to assess additional needs in Davao Oriental,” dugtong pa ni Carlson.

Samantala, tinamaan naman ng magnitude 5.8 na lindol ang Manay, Davao Oriental nito ring Sabado.

Ayon sa tala ng ahensya, naganap ang pagyanig bandang 6:27 pm ng hapon, at may lalim itong 010 kilometro.

Maki-Balita: Magnitude 5.8 na lindol, tumama sa Manay, Davao Oriental ngayong Oct. 11