Usap-usapan ang biglang paglalaho ng X account ni dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate Shuvee Etrata.
Sinubukan ng Balita na bisitahanin ang nasabing account ni Shuvee ngunit wala na nga ito. Pero existing pa rin naman ang iba pa niyang social media accounts tulad ng Facebook at Instagram.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag ang dating PBB housemate para ipaliwanag ang dahilan kung bakit siya nag-deactivate ng X account.
Pero matatandaang kinuyog siya kamakailan ng maraming netizens matapos muling lumutang ang mga lumang post at video niya partikular ang pagpapakita niya ng suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Bagama’t humingi na siya ng paumanhin sa mga nasaktan niya at nadismaya, tila patuloy pa rin siyang pinuputakti.
Kaya sa isang Faceook post ni GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes noong Biyernes, Setyembre 26, dinepensahan niya si Shuvee at sinabing hindi umano ito “die hard” sa sinomang politiko.
“She has had very very few (and short) posts that have political color in the past. She gave her personal observation and opinions on what she believed to be good acts and bad acts done by the government,” saad ni Annette.
Maki-Balita: Annette Gozon-Valdes, dinepensahan si Shuvee Etrata: 'Let's respect each other's opinion’